"No. Sa kabila ka," sambit nito habang hinaharangan niya ang pinto ng kwarto niya. "Come on, Ian. May nangyare na sa'kin. Bakit ba ang conservative mo?" Nakasimangot na sambit ko at sinubukang sumingit sa gilid niya para pumasok sa kwarto niya. Hawak ko ang bag ko at ang damit na binigay ni Jhudel kanina. Yes, galing dito si Jhudel, umuwi rin naman agad kahit na nagtataka bakit nandito ako. I think nagpabili si Ian ng damit sa kapatid ni Jhudel na babae at si Jhudel ang nagbigay rito. Basta kompleto ang binigay niya na naka paperbag. "No, Latina. Huwag matigas ang ulo," sambit pa nito at tinuro ang kabilang pinto. "Doon ka matutulog," sambit pa niya. "Gusto ko na maligo, padaanin mo na ako," sambit ko pa habang nakasimangot pa rin. "May shower ang kwartong 'yun," sambit pa niya. "D

