Hindi ako nagsalita nang hinatid ako ni Roi sa kotse ni Kuya. He is always like this. Sinasabi ko naman sa kanya na hindi niya kailangan gawin ang mga 'to, pero matigas ang ulo nito. Chester is right, dapat patigilin ko na si Roi, pero hindi ko talaga alam kung paano siya papatigilin. If I tell him to stop, magtatanong ito ng rason at hindi ko kayang sabihin sa kanya ang tungkol sa amin ng tito niya. Kilala ko siya, hindi siya titigil dahil sinabi ko lang, titigil siya kapag alam niya 'yung rason kung bakit ko siya papatigilin. "'Yung isang pamangkin ni Ian na si Chester. Did he stop courting you already? I saw him in the bar kissing someone." Natigil ang pag-iisip ko ng malalim dahil sa pagsalita ni Kuya. Nang sulyapan ko siya ay deretso ang tingin nito sa daan. "Pinatigil ko na," mai

