Even though my dad caused us so much pain when he cheated, he is still my dad. He is still my father. Kahit balik-baliktarin man ang mundo, he is still my father. So hearing that news breaks my heart. Nanginginig ako sa subrang pag-aalala sa kanya. My tears keep falling and I don't know what to do. Pagkarinig ko kung saang hospital pinagdalhan nila kay daddy ay mabilis akong lumabas ng skwelahan, kahit na nanghihina ako. Tinakbo ko iyon, ni hindi ko gaanong makita ang daan dahil sa luha sa mata ko. Naramdaman ko ang mga titig sa'kin ng mga tao sa skwelahan noong papalabas ako. Naramdaman ko ang mga mapanuri nilang tingin, pero wala na akong pake kung anong iniisip nila, wala akong pake kung nilalait-lait nanaman ako sa mga isip nila. Basta ang gusto ko lang ay mapuntahan ang ama ko. Gu

