It was already 9pm when I got home. I'm happy that Roi has already accepted it. Hindi ko na pinilit muna na magkaayos sila ng Ian. I'll talk to Ian first about that. Ayokong pilitin si Roi kung ayaw niyang makipag-ayos sa Uncle niya. Nagulat ako nang madatnan ko si Kuya na nasa sofa, nanonood. "Himala. Akala ko maninirahan ka sa opisina mo hanggang sa makauwi ako sa New York," biro ko sa kanya dahil ito ang unang pag-uwi niya rito simula noong pumunta ako rito sa condo niya. "Saan ka galing?" Tanong naman agad nito at hindi man lang pinansin ang sinabi ko. Pagod akong naupo sa isang single sofa. Si kuya naman ay nasa pahabang sofa. "Nakipagkita ako kay Roi," nakapikit nang sambit ko at isinandal na ang sarili ko. Hinintay ko siya kung may tanong pa ito, pero ibang boses ang narinig

