Sa unang linggo ko sa bahay nila Helly ay hindi ako gaanong lumabas. Sa loob kasi ng isang linggo ay tumatawag si Ian kay Helly para itanong kung nasaan ako. Noong unang araw na tumawag si Ian ay pinaluwas ko pa si Helly sa manila para magkunwaring hinahanap din ako. Alam kong naaabala ko siya, pero iyon ang nasa isip ko para maniwala siyang wala ako rito sa puder ni Helly. Willing naman si Helly na tulungan ako kaya subrang thankful ako. "Naaawa na ako sa kanya," si Helly nang muli itong tawagan ni Ian. Hindi ko rin akalain na aaraw-arawin ni Ian ang tawagan si Helly. "Hayaan mo," sambit ko na lang kahit ako ay hindi na rin mapigilang isipin si Ian. Inilingan ako ni Helly. "Ngayon ka pupunta diba?" Tanong nito habang nakahiga sa kama niya. Ako naman ay nakaupo lang sa gilid ng kama

