"What? Wala nanaman si Sir?" Narinig ko ang dismaya sa boses ng mga kaklase kong babae. Napatitig na lang ako sa bottle water ko na nasa harap ko. He said he wanted to court me. I should be happy na hindi na niya ako kinukulit, pero bakit palagi akong dismayado tuwing may ibang pumapasok na faculty member at binabalita na wala si sir at nag-iwan lang ng gagawin. Noong gabing 'yun umakyat agad ako gaya ng sabi ni Kuya. Bago ako umakyat ay hindi man lang ito tumingin sakin, he is just resting his head there and closing his eyes, like he doesn't want anyone to disturb him. Hindi ko rin alam kung umuwi rin ba ito pagkatapos ng inuman nila kasama si Kuya. Gusto kong bumaba, pero nauunahan ako ng takot na mapansin ni Kuya na magkakilala kami, I don't even know if Kuya knows that Sir Ian is my

