When the first semester in our first year officially ended ay agad na nag-aya na mag-beach si Honey. We’re still waiting for our final grades pero kaysa raw mag-overthink ay mag-chill daw muna kami para makapagpahinga rin sa stress na naidulot sa amin ng school. But of course, hindi sang-ayon si Theo, the ultimate nerd and grade conscious sa grupo namin na mag-chill. Kung mahirap ang first semester ay mas mahirap daw ang pangalawa, dapat din daw na mag-prepare kami para sa 2nd year dahil when we reach 3rd and 4th year ay sa hospital na namin ipagpapatuloy ang pag-aaral namin. “Sige na kasi! Sagot ko na food and accomodation,” pagpupumilit pa ni Honey. Kasalukuyan kaming nasa Tapsihan ni Aling Nena dahil biglang nag-crave sa breaded porkchop si Honey at dito naisipan na kumain ng lu

