I’m still wearing my scrubs and hair cup nang magtungo ako dito sa nursery room para tignan ang newborn baby ni Miss Lim. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo dito habang pinapanood ang bawat paggalaw nito. She’s sleeping soundly and so peaceful. I really love babies and how innocent they are. “Hindi ka pa uuwi? Kanina pa natapos ang shift mo, ‘di ba?” Mula sa glass wall ay napalingon ako kay Cody nang marinig ang boses nito. Huminga muna ako ng malalim bago ibalik ang tingin sa salamin. “May iniisip lang ako,” sagot ko dito. “Ano?” mabilis na tanong naman nito. “Remember the patient earlier? Si Miss Teri Lim?” sabi ko pa. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ang pasyente kanina. She tried to fight for her life kaso ay hanggang doon na lang talag

