“Berlin? Nandito si Clyden at hinahanap ka. Nag-away ba kayo? Hindi ka raw nagpunta sa unit niya kagabi.” Nanatili akong nakatitig sa kisame at hindi pinansin ang pagkatok ni Honey. Hindi ko alam kung ilang oras na ang nakalipas simula nang magising ako at malaman ang totoong nangyari sa Mama ko. Namumugto na ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak at mahapdi na rin iyon ngunit tila hindi ako nauubusan ng luha dahil patuloy lamang iyon sa pag-agos mula sa gilid ng mga mata ko. Wala pa akong pinagsabihan ng mga nangyari kahit sino kina Honey, kahit pa kay Clyden. Hindi ko alam pero mas gusto kong mapag-isa ngayon kaysa harapin sila at ikwento ang masakit na nangyari sa buhay ko. Mama. Mariin akong napapikit at muling umiyak. Tumigil na ang pagkatok ni Honey, buong

