Lumipas pa ang mga araw ngunit hindi ko pa rin makontak si Clyden. Theo and Rasdy keeps updating me naman about him pero iba pa rin iyong nakakausap ko siya at naririnig ang boses niya. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin na baka ito yung karma ko dahil hindi ko rin kinontak si Clyden noong nawala si Mama. Ganito pala ‘yong feeling, nakakabaliw at kahit na gusto mo siyang puntahan at damayan ay hindi mo magawa dahil alam mong hindi puwede. Five days ang itinagal ng wake ni Lolo Stan bago ito ilibing. Sinabi sa amin ni Rasdy ang lugar ng paglilibingan at kahit gustong-gusto ko pumunta ay pinigilan ko ang sarili ko at nagkulong na lamang sa kuwarto. Doon ako umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ako. The day after ng libing ay nagpunta ako sa unit ni Clyden para doon siya hintayin. Ang sabi n

