BEA'S POV Pagkagising ko ay nasa tabi ko siya. Nagulat pa siya dahil alam ko ang tungkol kay Hanna. Nagpaliwanag din siya na hindi niya mahanap ang phone niya. Nagseselos ako pero ano ba magagawa ko? Sadyang mabait si Jeff kaya alam ko na kahit sabihan ko siya na manatili sa tabi ko ay aalis pa rin siya kapag tinawag siya ni Hanna. Pumasok ako sa banyo. Bigla na lang kasi bumaliktad ang sikmura ko. Naisip ko baka nalipasan ako ng gutom dahil natulog ako simula kanina. Kumatok ito at nagpaalam sa akin. Kanina iniisip ko pa lang pero ngayon nagkatotoo na. Naligo na ako at pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para magluto. Dahil nagugutom na ako naghanda nalang ako ng instant noodles. Pero bago pa ako sumubo ay dumating si Jeff. "Langga, 'yan lang kakainin mo?" Tanong niya sa akin. "O-O

