JEFF'S POV Bago kami umuwi ng Iloilo ay nanaginip ako. Napanaginipan ko ang nangyari three years ago. Hindi ko alam pero biglang naging malinaw ang lahat sa akin. Kasama na doon ang boses ng babae na nagbigay sa akin nang pechay. Hindi ako makapaniwala na ka-boses niya si Bea kaya may kutob na ako na siya iyong babaeng tinulungan ko. Nakumpirma ko na rin dahil tinanong ko si Inay. At ngayon ay nasa harapan ko na siya habang umiiyak. Natatakot ako na baka hindi niya tanggapin ang proposal ko. Nakahinga ako nang maluwag ng tanggapin niya ito. Katabi ko siya ngayon sa higaan niya. Kakauwi lang namin. "Alam mo nakakainis ka," sabi niya sa akin sabay hampas sa dibdib ko. "Langga, sorry na po. Ginawa ko lang 'yon para puntahan mo ako," paliwanag ko sa kanya. "Hindi mo alam kong gaano ako n

