BEA'S POV Sa totoo lang hindi ko alam kong saan ko ilulugar ang inis ko sa kapatid ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niyang gawin iyon kay Jeff. Pasalamat rin ako dahil hindi naglihim sa akin si Jeff. Hanggang ngayon hindi ako makamove on sa ginawa ni Hanna. Kinatok lang naman niya kami sa banyo para sa walang kwentang bagay. Sinabi lang naman niya na wala naman trip lang daw niya. Umalis na si Jeff para pumasok sa trabaho ganoon din si papa pumasok na rin sa trabaho. Dito lang ako ngayon sa kwarto. Ewan ko ba pero wala naman akong ganang lumabas. Hindi ko namalayan ang oras hapon na pala at nakatulog ako sa sobrang pagbabasa ko ng mga novel. Naaaliw ako ngayon sa pagbabasa. Nagising ako dahil sa halik sa akin ni Jeff. "Daddy, ang aga mo nakauwi?" Tanong ko sa kanya. "Inagaha

