JEFF'S POV Gabi na pero nakaupo pa rin ako dito sa labas ng unit niya. Uuwi na sana ako pero dumating na ito at may dala siyang maleta niya. Sinalubong ko siya pero hindi niya ako pinansin.Yayakapin ko sana siya pero pinigilan niya ako. "Langga, what's wrong?" Tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot at dumiretso lang siya sa pagbukas ng pintuan niya. Pinigilan ko ito dahil isasara niya. Naipit pa 'yong kamay ko. "Arayy ang sakit? Langga, may problema ba?" "Umalis ka kasi diyan! Ayan tuloy naipit ka." Bulyaw niya sa akin. "Papasukin mo kasi ako, langga." saad ko naman sa kanya. "Hindi ba obvious na ayaw kita kausap?!" "May ginawa ba akong mali langga?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Nakakainis ka doon ka sa Hanna mo! Bwisit ka!" Sabay hampas sa akin. "Ayoko doon sa 'yo ko gusto,"

