Mika's POV
Papunta na ako ngayon sa school upang makapag file ng 1 week leave. Nang maisaayos ko na ang mga papel ko ay dumaan muna ako kay ate Mich upang makapagpaalam. Dumaan na din ako sa room namin ni Cha.
Cha: Goodmorning Mika. Bakit late ka?
Mika: Naaksidente yung bestfriend ko, nasa hospital siya ngayon.
Cha: Is she okay?
Mika: She's in coma.
Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Nakakainis naman kasi. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Cha.
Cha: Shh tahan na.
Mika: Dapat ako nalang yung andun Cha, ako nalang dapat yung nakaratay dun. Dapat hindi ko nalang siya pinauwi.
Cha: Hey, wag mo na sisihin sarili mo. Hindi naman makakatulong yan eh.
Mika: Aalis na ako. Nagpaalam lang ako.S
Cha: Sige. Ingat ka.
Pinahiran ko na ang mga luha ko at umalis na saka bumili muna ng prutas. Baka magising si Ara eh, kailangan niya ng mga masustansyang pagkain.
Pagkapasok ko ng kwarto ni Ara ay napailing na lang ako sa nakita ko. Si Rachel, hawak ang kamay ni Ara.
Mika: Anong ginagawa mo rito?
Rad: Dumalaw lang kay Ara.
Naupo ako sa kabilang gilid at pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Ara. Tumakas naman ang luha sa aking mata na agad kong pinahiran ng aking kamay. Kinantahan ko nalang siya. Baka sakaling magising siya pag malungkot ako.
Mika: Without you I feel broke, like I'm half of a whole. Without you I've got no hand to hold. Ara,daks gising na. Daks ipagluluto kita palagi ng ulam na gusto mo, gising ka na jan.
Rad: Mika, kain ka na.
Mika: Di ako gutom.
Rad: Kahit konti lang.
Mika: Ayoko sabi. Ayoko mapagsalitaan ka ng kung ano Rad. Kaya please lang.
Huminga muna ako ng malalim. Muli ko nalang tinignan si Ara at hinawakan ang kamay niya.
Day 7
Mika: Daks, isang linggo ka na jan nakaratay oh, palit na tayo. Ako naman.
Cams: Siraulo ka talaga Ye. Kain ka na.
Mika: Sige lang Cams, di ako gutom.
Cams: Magagalit sa'yo si Ara paggising niyan kung makikitang pumayat ka nanaman.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya at kumain na din. Ayoko naman maistress pa to kung makikitang mas payat pa ako sa kanya.
Nang maiwan ako mag-isa ay muli kong hinawakan ang kamay niya at kinanta ang chorus ng Sad song. Yun ang nararamdaman ko, I feel so lost without Ara.
Day 45
Halos gawin ko ng bahay ang hospital. Pagkatapos ng trabaho ay didiretso na ako dito at umuuwi lang ako sa bahay ni Ara para kumuha ng gamit.
Mika: Ara huy, ano na? Lagpas isang buwan ka na nagbebeauty rest jan eh.
Cams: Wala ka ng eyebags Ara kaya gising na.
Carol: Oo nga Ara, yung eyebags mo na kay Yeye na.
Mika: Ara, dami ko ng binili na favourite mo. Sayang kasi sila ang kumakain. Gising ka na please.
Walang araw na hindi ako natulog sa hospital. Kulang nalang talaga dalhin ko buong gamit ko dito. Bago ako matulog ay lagi ko siyang kinakantahan ng sad song.
Day 60
Mika: Ara gising ka na, nag-aral ako ng magic para sa'yo oh. Para naman totoong magic na makikita mo hindi yung kagaya ng ginawa mo. Gising ka na oh.
Kim: Ye, Anjan si Thomas sa labas.
Tumango lang ako.
Thomas: Kamusta si Ara?
Mika: Ganun pa din Thom.
Thomas: Ara, I brought you flowers. Gising ka na bago malanta ha. Tsaka 1 buwan nalang birthday na ni Mika. Diba may plano pa tayo?
Mika: Ha?
Thomas: Syempre secret na yung plano namin. Kaya dapat magising na si Ara.
Kim: Baka true love's kiss ang gigising kay sleeping Ara?
Thomas: Ako na ba mauuna?
Mika: Subukan mo lang Thomas, papaduguin ko yang nguso mo.
Thomas: Hahaha! Chill Ye.
-----
Nagdaan nalang ang kaarawan ko ngunit hindi pa din gumigising si Ara. Araw araw akong nagdadasal na sana ay magising na siya.
Day 120
Kim: Ara! Gising na uyy. Hindi na alam ni Carol pano ihahandle mga pera mo haha.
Carol: Papamigay ko nalang ba?
Cams: Loko ka talaga love.
Mika: Yung bill ba? I settle niyo nalang muna para hindi mabigat ang babayaran pag gising ni Ara.
Ganun na nga ang ginawa ni Carol at Camille. Ang payat na ni Ara, kawawa naman tong bansot na ito.
Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ko kaya't napalingon ako.
Cyd: Ye, pwede daw ba kayong mag-usap ni Chel?
Mika: Bakit?
Cyd: Aalis na kasi sila bukas. Tinakas ko lang din yan sa jowa niyang hilaw.
Mika: Pwede bang sa susunod nalang?
Cyd: Mika, alam mo boto ako sayo para sa pinsan ko. At yung jowa niyang hilaw eh napakahigpit kaya ngayon lang pwede yan.
Napabuntong hininga nalang ako. At pinuntahan si Rachel. Sabi ni Cyd ay pumunta ako sa kung saan ako dinala ni Rachel para magsisigaw noon.
Mika: Hi.
Rad: Buti naalala mo pa.
Nginitian ko nalang siya at umupo sa may damuhan. Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa akin.
Rad: Ye, una sa lahat hindi ko gusto ito.
Mika: Makikinig lang ako, sabihin mo pagtapos ka na.
Rad: Nagkautang ang pamilya ko sa pamilya ng mga Gonzaga. Nakakaloko ako nagtatrabaho para sa sarili ko, ni wala naman akong kinalaman sa utang na iyon tapos ako ang magbabayad.
Nakita ko naman ang pagluha niya.
Rad: And about Bea, lahat ng sinabi ko totoo. Pero naniniwala naman ako sa mga sinabi mo. I know how loyal you are to me, pero yun nalang din yung nakita kong way para iwan ka. I never wanted to my king. I never wanted to.
Inalo ko naman siya, may puso naman ako at bilang kaibigan niya noon, ayoko pa din siya makitang nasasaktan.
Rad: Alam mo bang pumupuslit ako sa condo natin noon para lang panoorin ka matulog at nagnanakaw pa ako ng halik haha.
Baliw na to. Iyak tawa na eh.
Rad: I tried my best para makahanap ng paraan para lang mabayaran kaso hindi ko alam san kukuha ng milyon HAHAHA.
Mika: Tapos ka na ba?
Tumango naman siya.
Mika: Magtatanong ako ha? Sagutin mo.
Rad: Bring it on.
Mika: Bakit hindi mo ako pinaglaban? I mean pwede ka naman humindi? Isa pa bakit hindi niyo nalang sinabi agad?
Rad: Ye, papatayin ka nila. Yun din ang dahilan ko bakit hindi ko sinabi. Knowing you, hindi ka papayag sa desisyon ko.
Mika: Okay. Ngayon malinaw na. Thank you Rad.
Rad: I'm sorry Ye.
Pinunasan ko naman ang mga luhang patuloy na tumutulo sa kanyang mga mata.
Mika: Don't be sorry. Naging masaya ako kung anong meron tayo :)
Rad: Ikaw pa din Ye. Nakakainis dahil ang sakit sakit na. Ikaw pa din.
Mika: Learn to love your partner. Thank you sa pagmamahal Rad pero you have to let me go.
Iyak lang siya ng iyak kaya't niyakap ko na siya.
Mika: Hahatid na kita.
Rad: Tatawagan ko nalang yung bodyguards, anjan lang naman sila. I'm sorry.
Mika: Maybe in another life my queen. Goodbye.
Rad: Goodbye my king.
Mika: Goodbyes are not the end my queen, it opens a new door, a new beginning. I hope you'll be happy.
Nakasakay na ako ng motor ko at papaandarin na sana ng biglang tumawag si Kim.
Mika: Kimmy bakit?
Kim: Ye, tulong naman dito. Nagsuggest na yung doctor na hugutin na ang life support ni Ara.
Mika: s**t! Sige bibilisan ko.
Ugh, no please no. Wag niyong kunin sakin si Ara.