Ara's POV Nung isang araw ko pa kinukulit si Mika kung san siya tumutuloy hindi ko na din kasi siya nakikita sa bar eh. From: Rachel Andito si Mika sa bahay. Buti naman at naisipan niya pumunta dun at buti na lang din ay tinext ako ni Chel. Agad agad naman akong nagtungo doon at naabutan ko silang nanonood ng movie. Kinalabit naman ni Chel si Mika na nakayakap sa gilid niya para sabihin na andito na ako pero nagkibit balikat lang si Mika. Tumayo naman si Jovs at lumapit sa akin. Jovs: Ganyan sila last week pa. Pero I assure walang namamagitan dyan. Para lang mag nanay yang dalawang yan. Ara: Di ka nagseselos? Jovs: Haha, I am of course. Si Mika yan eh, hindi ko naman na maaalis yun kay Chel pero matagal niya na pinaubaya si Mika sayo. Kaya ayusin mo buhay mo para hindi tayo mawalan

