Ara's POV
Maaga akong bumangon dahil lang naman sa request ni Mika. Sa grill ko nila balak magcelebrate, gusto ni Mika na magkaroon ng small surprise para kay Chel. Heto naman ako si martyr sige go lang, tulong tulong kunyari nakamove on na. Buti nalang hindi nagseselos si Rachel sakin.
Napakagaling siguro ni Mika magpaliwanag or sadyang pinaparamdam niya kay Chel na siya lang. Siya lang at wala ng iba tss -_-
After lahat ng seremonyas ay nagpunta na kami ni Kim at Carol sa grill, papunta na din daw ang kambal.
Kim: Wafs, kaya pa? haha.
Ara: Shhh.. bawal magtanong tungkol dyan diba.
Carol: Tibay mo din eh noh?
Ara: I already told you hangga't walang kasal walang titigil hahahaha.
Kim: Hello! Bihira nagpapakasal ang mga gaya natin.
Ara: Exactly! HAHAHAH.
Carol: Baliw ka na -_-
Nang makarating kami sa grill ay nagtext na din ang kambal na malapit na sila.
Carol: So anong plano?
Ara: Pwede na ba yung banner na "Ye, akin ka nalang?" HAHAHAHA
Kim: iba ka wafs, iba ka mag isip hahaha nakakabwisit.
Ara: Edi, "Ye, kung di ka para sakin. Baka ako ang para sa'yo?" HAHAHA.
Inirapan nalang nila akong dalawa. Dumating na din ang kambal at nagprepare na kami. Dahil nga small surprise lang gusto ni Yeye ay nag palobo lang kami ng heart shaped na balloon. Simple as that, pero dahil mabait kaming kaibigan ay nag lagay na din kami ng Happy Anniversary na shaped balloons.
Cams: Arabels!
Ara: Uyy Cams, bakit?
Cams: Wala lang, so kamusta kagabi?
Ara: Okay lang Cams, manhid naman ako diba HAHAHAH.
Binatukan naman niya ako, eh totoo naman kaya nga hindi kami ngayon ni Mika kasi ang manhid ko, hay nako.
Cams: Seryoso na nga kasi.
Ara: Same as before :)
Cams: Hanga na ako sayo.
Ara: Well, Ara G to eh haha.
Cams: Ewan ko sayo.
From: Lablab
Bansot, papunta na kami.
Lakas noh? Walang pakialaman ng trip, eh sa ayan gusto kong pangalan niya sa phone ko, bakit ba haha
To: Lablab
Ingat kayoooo :*
Ara: Bulls, papunta na daw sila, labas niyo na yung cake :)
Carol: Ilabas mo na din yung ngiti mong praktisado :P
Ara: Nakaready na haha.
Cienne: Sanay ka na ba?
Ara: Hindi noh. Hahaha, Ilang beses na ba natin sila nakasama? Pangalawa palang ngayon pano ko masasanay?
Cienne: Nagtanong lang ako grabe ka. Tsaka 6 months din natin sila nakasama noh.
Ara: Matagal na kasi yun kaya hindi na sanay.
Carol: Oyy anjan na sila, magprepare na kayo.
Kim: Wait lang si baby nasa Cr pa.
Ara: Aba'y nukks naman bati na sila.
Mabilis naman nakabalik si ate Kim at ate Cyd. Sakto lang sa pagbukas ng pinto ng grill. Sabay sabay namin silang binati.
"Happy Anniversary!"
I pictured myself with Ye, kami yung pumasok sa grill at binati ng happy anniversary. Badtrip.
Rad: Aww, thank you guys :)
Mika: Sakin babe di ka mag thank you?
Rad: Baliw ka, thank you babe. I love you.
Binigyan naman niya si Mika ng isang mabilis na halik. As much as possible ayaw nila ng PDA, kaya hindi ako sanay na makita silang nagtutukaan -_-
Kim: Wafs, ang kilay. Bawal mabuko.
Bulong niya sa akin. Nagpout nalang ako at umayos ng mukha. Praktisado to para sa mga ganitong pagkakataon. Mahirap din pala talaga pag nasa harap mo na. Akala ko sa six months noon ay nasanay na ako.
Oh well, akala ko lang pala. Nakikinig lang ako sa kanila.
Cams: Ye, namiss ka namin.
Mika: Namiss ko din kayo kambal.
Cienne: Grabe, binahay ka na ni Chel. Hahaha.
Mika: Haha, okay lang. Home is where your heart is and she is my home.
Hinatak niya papalapit sa kanya si Chel gamit ang kanan niyang kamay na nasa bewang ni Chel. Sobrang nakakainggit. Ang sarap magmahal ni Mika. Never naman ako nakaranas ng ganyan sa dalawa kong ex.
Rad: Babe, stop it.
Cams: Naks naman ye, cheesey haha. Namula nanaman si queeny.
Cienne: Kinilig naman ako haha.
Hindi ko mapigilan hindi mag-isip, what if ako yung nasa lugar ni Rachel, what if ako yung girlfriend ni Mika, what if kamay ko yung hawak niya ngayon.
Carol: Matunaw naman yan uyy. Mahuli ka ng girlfriend nakooo.
Ara: Iniisip ko lang ang mga "What if's" haha.
Carol: Mapapagod ka din, everybody deserves to be happy Ara, wag mo ikulong ang sarili mo.
Ara: She is my happy pill Carol. She is my happiness.
Bakas sa boses ko ang lungkot. Haaay. The girl who can't be move haha.
Mika: Daks, samahan mo ko sa kitchen.
Ara: Okay wait lang.
Tumayo ako at dinala siya sa may kitchen.
Mika: Daks, thank you ha.
Ara: Walang anuman ye, para san pa't magbestfriends tayo diba?
Niyakap naman niya ako ng mahigpit. Syempre I took the chance, niyakap ko din siya ng mahigpit.
Ara: Namiss kita daks.
Mika: Aww, I miss you too daks. Layo namin eh.
Ara: Kaya nga eh, buti hindi nagseselos si Rachel satin?
Mika: Haha. Kaibigan kita, kaibigan ka din niya. She's a lot more understanding than you can imagine :)
Ara: Taray. Ano ba gagawin mo dito sa kusina?
Mika: Wala, titignan ko lang HAHAHA. Pero joke may titignan lang din talaga ako. Balak din namin magtayo ni Chel ng grill eh, so tinignan ko lang kung anong magandang design ng kitchen.
Ara: Baliw ka, balik na ko don. Sunod ka nalang.
Mika: Sure sure.
Ginulo niya ang buhok ko, pati ang puso ko ginugulo niya ang composure haha. Baka mamaya hindi ko na mapigilan nakoo.
Pero nakakainis lang, magtatayo sila ng grill... so pano na? Pero hindi hindi. Plano palang naman eh , hindi pa naman buo.
Sumapit na ang gabi kaya't umuwi na kami sa bahay, lahat kami ay dito matutulog kaya napagpasyahan namin uminom muna saglit.
Kim: Truth or shot oh. HAHAHA.
Carol: Pauso ka kim. Truth or dare nalang.
Cams: Di na ba kayo nagsasawa jan?
Carol: Grabe yun at yun lang din naman gagawin natin!
Inikot na ni Carol ang bote at sakanya tumama haha.
Kim: Truth or dare?
Carol: Truth
Kim: Mahal mo pa?
Krooo kroo.
Gago to si ate Kimmy. Tumingin naman si Carol kay Cams, at ngumiti.
Carol: Naman, kaibigan ko eh :)
Napatingin ako kay Cams, nagthumbs up lang ito. I really think na super friends tong dalawang to haha.
Pinaikot ni Carol ang bote at kay Cams tumapat. Dare daw.
Carol: Kiss mo na sa cheeks crush mo hahaha.
Cams: Psh. Para paraan.
Tumayo si Cams at hinalikan sa pisngi si Carol haha.
Cienne: Madaya ka, hahaha. Porket alam mong mas crush ka ni kambal kesa kay Mika hahaha.
Carol: Hahahah, ganun talaga Cienne.
Napatingin naman ako kay Mika at Rachel, nakasandal ang ulo ni Rachel sa balikat ni Mika at magkahawak kamay. Tulog na ata to si Rachel.
Ara: Daks, tulog na ata si Chel.
Mika: Ah oo, anong oras na kami nakatulog kakakwentuhan eh.
Kim: Kwentuhan nga ba? May chikinini ka nga oh.
Mika: Di yan chikinini, love bite yan. Magkaiba yun.
Kim: Grabe magdamag ata kayo ah.
Mika: Gago ka ah. Ano akala mo samin? Aso?
Kim: Chiill bro.
Mika: Di niyo alam kung ano ginagawa namin pag magkasama kami. Wala kayong karapatan sabihin na puro kama lang inaatupag namin. Hindi ko din kinakahiya yung love bites ko dahil gusto niya malaman ng lahat na may nag mamay-ari sakin, at proud ako na siya yun. Tss.
Binuhat na ni Mika si Chel at pumunta sa kwarto nila.
Ara: Ayan kasi wafs, kalokohan mo.
Cyd: By naman kasi para kang adik. Paulit ulit mo nalang niloloko, alam mo naman gusto nung tao na sa kanila nalang yun.
Kim: Sorry :(
Cyd: Wag ka sakin magsorry, kay Mika. Minsan na nga lang tayo makumpleto ganto pa.
Ara: Matulog na tayo, bukas nalang kayo magsorry kay Mika.
Cienne: Ara, sa kwarto mo nalang kami matutulog ni kambal, kasya naman tayong tatlo diba?
Cams: Oo nga, Carol sama ka na din.
Carol: Sure tara na.
Nagtungo na kaming 4 sa kwarto ko at inayos ang hihigaan namin. Pinagkasya nalang namin ang sarili namin sa kama ko, para na kaming sardinas dito.
Cienne: Anong masasabi mo sa love bites Ara?
Ara: Ahhh, masakit. Haha, ayoko isipin pero wala eh. Mahal na mahal din ni Mika si Chel.
Cienne: Kakapit pa ba?
Ara: Oo naman :)
Nasasaktan ako, sobra. Pero kaya pa naman eh. 3 taon ko na siyang minamahal mula sa malayo, ngayon pa ba titigil? Masaya naman ako na makita siyang masaya.
Cienne: Ara, pano kung hindi maghiwalay si Mika at Rachel?
Ara: Edi may forever haha.
Cienne: Magmove on ka na kasi.
Ara: Alam niyo ang sagot kung kelan ako mag momove on. Wag na natin ulit ulitin pa.
Cienne: Concern lang naman kami sa'yo.
Ara: Salamat Cienne. Pero I can handle. Wala namang mali siguro diba? Hindi naman ako naninira ng relasyon.
Cienne: Haaay.
Madaming tumatakbo sa isipan ko, hindi ko na din alam ang gagawin. Pinipilit kong wag ipakita sa kanilang nasasaktan ako, pero ang totoo gustong gusto ko ng yakapin si Mika at sabihin "akin ka nalang" kaso hindi. Hindi pwede kasi sobrang mahal niya si Rachel. Hindi ko afford na paghiwalayin sila para lang maging masaya ako.
Hindi ako makatulog kaya't pumunta muna ako sa may garden. Naupo ako sa may bench at tumingin sa kalangitan.
"At hihiling sa mga bituin...
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin...
Hihiling kahit dumilim...
Ang aking daan na tatahakin...
Patungo sa iyo"
Para nanaman akong tanga, kakanta kanta tapos iiyak.
May pag asa pa nga ba? Masaya ka naman sa kanya eh. Pero konti pa ye, konti pa.