Chapter 16

1323 Words
Mika's POV Jan 2, 2021 Bukas na ang balik namin sa office. Kaya naman pauwi na din kami ngayon ni Ara. Pinatulog ko muna ingay eh. Kahapon pa ako kinukulit kung ano daw ba regalo ko sakanya. Sabi ko bibigyan ko siya ng bato na may pangalan ko, ayaw pa. At least yun pinag effortan diba? Tsaka galing sa puso ko yun. Maggagabi na nang makarating kami sa bahay. Ayoko naman istorbohin tulog ni Ara kaya binuhat ko nalang muna siya hanggang sa sofa at binalikan ang mga gamit namin. Natawa naman ako nang balikan ko siya para dalhin sa kwarto niya. Nakanguso siya, baka napapanaginipan prince charming niya at hahalikan na siya. Inakyat ko na siya sa kwarto niya at pagbaba ko, saktong dating nila Kim. Kim: Ye, kanina pa kayo? Mika: Kakarating lang din namin halos. Kumain na ba kayo? Kim: Hindi pa Ye eh. Mika: Sige, magluluto muna ako. Malapit na ako matapos sa niluluto ko ng dumating ang kambal at si Carol. Mukhang nag-aaway yung dalawa kaya't pinatay ko na ang niluluto ko at pinuntahan sila. Carol: Tang ina naman kasi! Ano bang meron dun ha at nag-uusap pa din kayo? Cams: Carol naman eh, kailangan niya lang ng kaibigan. Carol: Kaibigan?! Lagi kayong inuumaga, kaibigan?! Cams: Ano bang kinakagalit mo?! Carol: Nagagalit ako kasi nilalandi ka niya! May karapatan naman ako diba?! Mika: Sige sigaw pa. Wala talagang natutulog eh. Cams: Wag ka makialam Ye. Mika: Di ako nakikialam. Natutulog si Ara. Eto lang, pag usapan niyo ng mahinahon yan. Hindi yung ganyan kayo. Cams: Bakit?! Nadaan niyo ba ni Rachel yung sa inyo sa magandang usapan ha?! Ay grabe siya oh. Di naman ako nakikialam, nag payo lang ako. Cienne: Kambal! Ano ba yan! Cams: Totoo naman diba?! Mika: Carol pagsabihan mo yang girlfriend mo ha. Kung may away kayo, wag niya idamay yung ex ko. Iniwan man niya ako, never did I feel na she's cheating on me. Based on what I heard, never din siya nakipag-usap sa iba. Cams: What are you trying to say?! Na I'm cheating on her?! Mika: Wala akong sinabing ganun. Camille kaibigan kita, Ilang taon na ba tayo magkakilala? Sinabi ko lang pag-usapan niyo ng mahinahon. Tell me kung anong mali dun? Cienne: Tama na yan. Kayong dalawa, pag-usapan niyo sa kwarto niyo yan. Cams: Sorry Ye. Lumapit naman sa akin si Camille at niyakap ako. Kaibigan ko naman sila at hindi ko naman magagawang magtanim ng sama ng loob sa mga to kahit ano pang sabihin nila. Lalo na tong kambal na to. Mika: Okay lang Camille. Sige na pag-usapan niyo na ni Carol yan and please, ayusin niyo. Humalik naman ako sa noo ni Camille at ayun ang awkward na ng atmosphere. Cienne: Ye, pagpasensyahan mo na si Camille ha. Mika: Okay lang, itutuloy ko na tong niluluto ko, pakigising naman si Ara. "No need Ye" Sabi ni Ara mula sa kung saan at may hawak pang popcorn. Kalokohan talaga ng babaeng to. Cienne: Bakit ka may popcorn? Ara: May show kanina eh. He he. Mika: Sira ulo ka talaga, maghain na kayo jan ng makakain na tayo. ***** Kinabukasan. Mika: Goodmorning ate Mich! Si Charleen? Mich: Ay baka nag cr lang. Napadaan ka dito? Mika: Ah wala kasi siya kaya naisipan ko baka andito tsaka eto oh, pasalubong galing Pampanga :) Mich: Salamat Mika! Mika: Sige ate, balik na ko dun. Pagbalik ko naman ay bumungad sa akin ang isang napakagandang nilalang na busy sa kanyang ginagawa. Pero si Queeny pa rin ang pinakamaganda para sakin, sa ngayon.. Magbabago din naman yun. Mika: Goodmorning Ms! Cha: Mikaaaaa! Sinalubong naman niya ako ng yakap. Cha: I miss you! Mika: Namiss din kita :) Nakayakap lang siya sakin. For like 5 minutes? Ayoko naman kumontra, medyo gusto ko naman eh HAHAHA. "Uso magtrabaho." Napalingon naman ako at nakita si ate Mich kaya humiwalay na din sa akin si Charleen ng pagkakayakap. Mich: May hindi ako alam noh? Cha, mag sasabi ka o  magsasabi? Cha: Yoko, si Mika tanungin mo. Mich: Spill it Mika. Mika: Luh tekaa, ano ba yun? Cha: Sabihin mo na gusto kita. Natawa naman ako bigla. Siya din naman pala magsasabi. Mich: Ewan ko sa'yo Cha, ikaw din pala magsasabi baliw ka. Magtrabaho na kayong dalawa jan. Patapos na ang araw nang maalala kong bukas na nga pala ang birthday ni Ara. Mika: Charleen, pwede mo ba akong samahan bumili ng pangregalo kay Ara? Cha: Sure. Nagtungo na kami sa motor ko at sumakay na din siya. Nakakainis, naramdaman ko nanaman yung nafeel ko nung isinakay si Queeny dito nung nagdate kami. Nang makabili kami ay hinatid ko na din siya sa kanyang unit at nagtungo na sa bahay namin. Wala pa si Ara, busy daw sa grill at may inaasikaso kaya bumili muna ako ng mga lobo at kung ano pang pwedeng gawin pang birthday. Bansot Pauwi ka na ba? Yeah yeah. I'll be there in a bit. Wag mo ko maingles ingles! Hahaha baliw! Lagpas Alas dose na nang makarating siya. Dito ako nagtago sa kwarto niya, at pag bukas niya ng pinto ay bakas sa mukha niya ang kaligayahan. Mika: Happy Birthday Daks! Ara: Thank You Ye. Mika: Regalo ko sa'yo oh. Binuksan naman niya ito at nagpasalamat sa akin. Ara: Ye thank you sa necklace. Sunod ba nito singsing na? Mika: Anong pinagsasasabi mo jan hahaha. Ara: Malay mo sa susunod tayo na. Mika: Ha? Ara: Walaaaa! Salamat. Mika: Matulog ka na. Goodnight daks. Ara: Uh, Ye. Pwede magrequest? Mika: Ano yun? Ara: Tabi tayo matulog. Kumamot pa siya sa ulo niya. Mika: Oo na sige na, birthday mo naman eh. Ara: Thank you! Labyu bes! Mika: Oo na oo na. Labyu too. Nahiga na kami at yumakap naman siya sa akin, kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa bewang niya. Kulit talaga neto. Ara's POV Ara: Malapit na daw matapos yung 2nd branch ng grill. Bungad ko kay Mika nang makaupo kami sa bench dito sa garden. Mika: Oh mabuti naman. Ano pala plano mo? Ara: Mag stay muna ako dun hanggang sa maging stable. Mika: Sino magbabantay ng grill mo dito? Ara: Buti na lang nagresign si Carol, ayun nagpresenta na siya, na siya muna habang wala pa ako. Mika: Iba ka na talaga. Tawag ka palagi ha? Ara: Oo naman Ye. Mamimiss kita. Niyakap ko naman siya ako. Nakakalungkot ang tagal kong mahihiwalay ulit sa damulag na to. Mika: Magkikita pa naman tayo Ara :) Galingan mo dun para makabalik ka kaagad. Ara: Oo naman. Tabi tayo mamaya ha? Matagal pa ulit kita makakasama eh. Mika: Alam mo, para paraan ka din eh noh. Ara: Hahaha! Dali na! Mika: Oo na sige na! Pero buhatin mo ko. Ara: Nak ng... Ye ang laki mo kaya huhu. Mika: Mamili ka, bubuhatin mo ko tapos tabi tayo o mag-isa ka? Ara: Sabi ko nga tabi tayo kaya halika na! Pasan na! Wag ka ng magmabagal jan! Natawa na lang siya at sumampa na. Nang makarating kami sa kwarto ay halos di na ako makatayo. Ara: Last na yun Ye! Di na ko uulit! Dumagan naman siya sakin, as in face to face pero malayo naman ang mukha niya. Ara: Bakit ang ganda mo? Mika: La eh. Lahat din ng gwapo at maganda naiiwan hahaha! Ara: Ako di kita iiwan. Unti unti naman siyang lumapit sakin at.. Ara: Aray ko Ye! Pinitik kasi niya ang noo ko. Mika: Bulong ka kasi ng bulong jan. Matulog ka na. Ara: Nyeeeh kiss ko muna. Mika: Sabi na pinagnanasaan mo talaga ako eh. Muli ay unti unti siyang lumapit at naramdaman ko na lang ang paglapat ng ilong niya sa ilong ko. Humalik naman siya sa noo ko. Mika: Goodnight daksss! Ara: Goodnight! I love you bes. Mika: Labyu too bes. Dinadaan daan ko nalang sa bes pag gusto kong mag I love you sa kanya. Nak ng.. Kailan ba ako makakadiskarte dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD