Chapter 21

1230 Words
Mika's POV Ara: Sino ka? Natulala nalang ako sa sinabi niya. Di ko man lang naisip ang mga pwedeng mangyari pag nagising siya. Nakatingin lang ko sa mga mata niya at unti unting lumapit. Mika: Ara.. Dumating naman ang doctor at chineck ang kundisyon niya.  Nang makalabas ang doctor ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Ara: Sino ka? Mika: Ara... Naiyak naman ako. Ano ba naman yan tinamaan pa ng amnesia tong ugok na to. Ara: Ang pangit mo umiyak Ye. Ye? Napatingin naman ako agad sakanya at nakangiti siya. Mika: Siraulo ka! Ara: You should have seen your face. Kim: Ang bully, kakagising mo palang nakapang bully ka na agad! Pinaiyak mo pa si Mika! Mommy: Anak. Ara: Mommy. Mika: Labas muna kami mommy. Yumakap muna ako kay mommy at nginitian si Ara. Sumenyas ako sa mga kaibigan ko na iwan muna sila. Cams: Loko loko talaga si Ara kahit kailan. Cienne: Aminin! That was a good one tho. Mika: It is, sa sobrang good gusto ko ng batuhin kanina ng unan eh. Pasalamat siya mahal ko siya. Carol: Sa wakas! Kara din pala! Kim: Dami mong alam. Mika: Asan pala si Cyd? Kim: Ayy bumili ng pagkain. Mika: Oh ayan na pala eh, tara kain muna tayo. Kumain muna kami at nang tinawag kami ni kuya Djun ay pumasok na kami. Mika: Ara.. Ara: Ye.. Carol: Ano Ara? Si Mika lang palagi? Andito din kami oh. Aray! Napatingin naman kami kay Carol at natawa sa pagpingot ni Camille sa kanya. Cams: Pwede ba mamaya ka na magtatatalak. Hayaan mo muna silang dalawa. Para kang baliw eh. Carol: Oo, baliw sa'yo. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Mika: Dun kayo magmoment sa labas. Mga impakto kayo. Ara: Pst. Daks, payakap naman ako. Ngumiti nalang ako at niyakap siya. Nang humiwalay ako sa yakap ay ginulo ko ang buhok niya. Ara: Kamusta ka? Sorry di ako nakarating agad. Mika: Ako ang dapat magsorry. Kasalanan ko kung bakit ka nakahiga ngayon dyan eh. Ara: Para namang di mo ako kilala niyan e. I would do anything for you Ye, anything. Mika: Thank you Ara. Carol: Kiss! Kiss! Sinamaan ko naman siya ng tingin, kahit kailan talaga si Carol parang aning aning. Mika: May masakit pa ba sa'yo? Ara: Masakit na yung pwet ko at likod hehe. Mika: Tagal mo ba naman nakahiga dyan eh. Ara: Gusto ko na umuwi. Mika: Di pa pwede, kailangan ka pa imonitor tapos kailangan mo pa magtherapy. Nagpout naman siya, haha ang cute lang. Ginulo ko nalang ulit ang buhok niya. Dahil malapit naman na din matapos ng school year ay napagdesisyunan ko ng magresign sa last day ng klase para naman maibigay ko ng buong oras ko kay Ara. 1 month after waking up, she's still undergoing therapy dahil ang tagal niya nakatulog ay hindi pa siya makapaglakad ng ayos. After ng therapy niya today ay nagpunta kami sa garden ng hospital. Tulak tulak ko lang ang wheelchair niya. Ara: Ye, bakit ka nagresign? Mika: Ara, ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na nagresign ako para alagaan ka? Tsaka tapos naman na klase oh. Ara: Ang panget kaya sa resume niyan. Mika: Edi sa'yo nalang ako magtatrabaho hahaha. Ara: Ano naman pwesto ibibigay ko sa'yo aber? Mika: Edi partner mo haha. Natahimik naman siya, napaisip siguro. Ara: Partner? Business partner? Napasapo nalang ako sa noo ko. Partner habang buhay kasi hindi business partner. Mika: Ewan ko sa'yo. Pero pwede ba akong mag-apply? Ara: Apply na? Mika: Girlfriend mo? Hindi siya sumagot kaya naman tumingin ako sa kanya, hawak ang phone niya at may katext. Mika: Luh, kasama mo na ako nagtetext ka pa dyan. Ara: Ano sabi mo Ye? Di ko narinig eh, sorry na nagtext si mommy oh, selos ka naman agad. Mika: Ewan ko sa'yo bansot. Bumalik na kami sa kwarto niya at inalalayan ko naman siya pabalik. Ara: Mika, di mo nman ako iiwan diba? Mika: Hindi nga. Papakasalan pa kita eh. Ara: Nay nay bulong ka ng bulong jan. Mika: Sabi ko ang ganda mo, bingi ka lang. Ara: Goodnight. Love you thank you. Mika: I love you too. Pagaling ka na agad. ----- Unti unti naman ng nakakapaglakad si Ara sa tulong ng saklay. Ara: Ye, kamusta na pala si Rachel? Mika: Ay hindi ko na alam Ara, pero nung tulog ka nakapag-usap kami and nagkalinawan na. Ara: Talaga? Oh eh bakit ka niya iniwan? Mika: Fixed marriage. Siya daw pambayad sa utang nila. Ara: Oh ang saklap naman. Mika: Kaya nga eh, she deserves to be happy. Wala naman siyang kasalanan eh. Hindi naman siya yung may utang. Ara: Uhm does Rachel being happy means a lifetime with you? Nakita ko naman ang guhit ng lungkot sa kanyang mga labi. Magsasalita na sana ako ng may asungot na dumating kaya't napasapo nalang ako sa noon ko. Ara: Thom! Napadaan ka? Thomas: Tapos naman na ang peak hours sa grill mo so napadaan na ako dito. Flowers for you. Anjan din pala si Jeron. Sinamaan ko nalang ng tingin si Thomas, hindi ko alam kung nang-aasar ba to oh ano eh. Mika: Daks, hangin para sa'yo. Sabay akto na kumuha ng hangin at inabot sa kanya. Atlis meron akong maibibigay para sa kanya. Ara: Patawa ka Ye. Haha. Mika: Asungot. Thomas: Atlis, hindi torpe haha. Nilabas pa talaga ang dila niya, mukha namang tiktik. Mika: Ang panget mo. Thomas: Atlis, hindi torpe. Aba't inulit pa talaga sasamain na talaga sakin tong lalaking to eh. Bigla naman ang pagpasok ni Jeron. Jeron: Hi Ars, kamusta? Ara: Okay na. Hopefully makalabas na, nakakaburyo na din dito eh. Jeron: Ye, kamusta pala yung kaholding hands mo nung nakaraan? Oh my gee. Napatingin ako kay Ara na masama ang tingin sakin. Di pa nga ako nagsisimula mukhang matatapos na ah. Napalagok nalang ako ng laway ko. Mika: Ah eh, wala yun Je.  Ano wala namang kami. Tsaka matagal na din yun noh. Ara: Sino naman yun ha? Mika: Ah eh yung ka officemate ko. Ara: Tss. Thomas, penge nga pagkain. Thomas: 1 point for Thomas! Woohoo! Buong araw ako hindi kinausap ni Ara hahaha, ang cute lang magselos neto. Syempre pinaliwanag ko at kwinento ang buong nangyari. ----- Nang mejo nakakapaglakad na si Ara ay clinear na kami ng doctor at binigyan ng mga dapat gawin as therapy para magtuloy tuloy na ang pag galing ni Ara. Nasa garden na kami ngayon at nakaupo lang sa bench. Nakasandal ang ulo niya sa akin at ang kamay ko naman ay nasa balikat niya. Nakatingin lang kami sa mga bituin. Ara: Ye, if I had a star for every time you brightened my day, I would be holding the galaxy. She held my hand and intertwined it with hers. Mika: Ara, I can't go another day without you. I love you. Ara: I love you too BES. Mika: Ara, mahal kita. Can I court you? Ara: Oo naman li...li...ga...what? Mika: Can I court you kako bingi. Ara: Wow ha. Mahal kita gago! Manhid! Mika: Letse, oo o hindi lang eh. Ara: Mahal nga kita tanga naman neto. Wala ng ligaw ligaw tayo na. Mika: Ayoko ng ganun. Gusto ko paghihirapan ko. Ara: Fine, paghirapan mo. Papahirapan talaga kita MWAHAHHA! Ginusto mo to eh. I guess kailangan ko na ihanda ang sarili ko kung gagawin niyang literal ang pagpapahirap sa akin. Haaay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD