Renee
"Hindi! ayokong pakasal sa lalaking iyon!" sigaw na tanggi ko kay tatay.
"Ang lakas ng loob mong mag-inarte eh! bakla ka naman buti nga natipuhan ka ni George at nagkaroon ka rin ng silbi sa akin!"
"Kahit ganito lang ako 'tay hindi pa rin ako papatol sa manyakis na 'yon!" sabi ko pa kay tatay.
"Wala, ka talagang kuwenta hindi ka marunong sumunod!" sabay igkas ng palad ni tatay sa pisngi ko.
"Ah!" naaigik ako dahil bumalandra ako sa dingding ng bahay namin dahil sa lakas ng sampal ni tatay.
"E-Ernesto, ano ka ba? Huwag mong saktan ang anak mo!" sabi ni nanay kay tatay na iniharang ang sarili niya ng akmang sasaktan ulit ako ni tatay.
"Huwag kang makialam dito Rosita! Matagal na akong nagtitimpi diyan sa anak mo napakatigas ng ulo sinabi ko na sa kanyang si George ang dapat niyang pakasalan para makaahon tayo sa hirap ilang beses pa rin niyang tinatanggihan!"
"Makaahon sa hirap o baka naman gusto mong sabihin ay para masunod ang layaw mo?" hindi nakatiis na sumbat ni nanay kay tatay.
"Isa ka pa! Kaya lumaking matigas ang ulo ng anak mo dahil kunsintidora ka!" sabay igkas naman ng palad ni tatay sa mukha ni nanay.
"Nay! 'tay, huwag ninyong saktan ang nanay ko!" sabi ko kay tatay saka agad na dinaluhan si nanay na bumalandra sa may gilid ng papag.
"Ah, ganoon?" sabi ni tatay na inilang hakbang lang kami ni nanay at gigil na sinabunutan ang buhok ko. "Puwes, kung ayaw mong masaktan kayong mag-ina sumunod ka sa utos ko pakasalan mo si George at bigyan mo kami ng maraming pera!"
"Ayoko!"
Minsan pang muli akong sinampal ni tatay at wala akong nagawa kundi ang umiyak kagaya rin nang wala akong nagawa nang sunduin ako ni George ng sumunod na araw.
"H-hindi! 'tay, huwag ninyo akong ibigay sa kanya, aray! Ano ba? Bitawan ninyo ako!" nagwala ako nang piliting isakay sa kotse nang dalawang tauhan ni George.
"Tumahimik ka! Sumama ka nang maaayos" nakapamaywang lang na sabi ni tatay.
"Hindi! Ayoko!"
Pero kahit anong pagtanggi ko ay walang nangyari dahil nagawa na nila akong isakay sa loob ng sasakyan sa mismong tabi ni George
"Hi, Baby," nakangising sabi nito.
"Hayup ka! Bakit mo ito ginagawa sa akin wala kang karapatang gawin ito," galit na sabi ko nang harapin ang lalaking bukod sa maaskad na ang mukha ay maitim pa. Iyon nga lang ay maporma ito sa suot na damit at nangingintab na malalaking kuwintas at bracelet na yari sa makapal na ginto na nasa leeg at braso nito.
"Kapag kasal na tayo ay nasa akin na ang lahat ng karapatan na angkinin ka," saka akmang hahaplusin nito ang pisngi ko.
"Huwag mo akong hawakan demonyo ka!" agad ko namang natabig ang kamay nito.
Naiiling na napangisi si George. "Sige, saka na lang kita hahawakan kapag kasal na tayo baka naman sabihin mo na hindi ako maginoo," sabi nito saka bumaling sa bintana. "Tatay Ernesto, heto nga pala ang konting panggastos," saka iniabot nito kay tatay na abot tenga ang ngiti ang makapal na sobreng may lamang pera.
"Naku, maraming salamat George," dalawang kamay pang tinanggap ni tatay ang sobre. "Napakabuti mo talaga sa pamilya ko."
"Wala iyon tatay Ernesto, siyanga pala may pa-derby daw sa kabilang baryo bakit hindi ka dumayo roon at baka mapalago mo iyang ibinigay kong pera."
"Aba oo nga, ano? Sige, mamaya ay babawas ako ng kaunti rito."
"O, bakit naman konti lang? Pa-derby iyon dapat ay malaki ang baon mong puhunan."
"Ah, baka kasi maubos kapag natalo," napapakamot pa sa ulong sabi ni tatay.
"Ikaw naman, para ka namang bago nang bago kung matalo magpakuha ka sa bahay sa katiwala kong si Joel ibinilin ko na sa kanya na kapag nagawi ka roon na wala ako ay abutan ka ng panggastos."
"Talaga! Naku, salamat! salamat! paano ikaw nang bahala sa anak ko?"
"No problem, pagbabalik namin dito ay maayos na ang lahat ng detalye sa kasal namin kaya nga isasama ko siya sa lungsod para doon pasukatan dahil gusto kong siya ang maging pinakamaganda sa araw ng aming kasal suot ang mamahaling suit na ipapatahi ko pa sa pinakasikat ng couturier sa bansa."
"Naku, maraming salamat napakaswerte talaga ng anak ko sayo. O, sige lumakad na kayo at tanghali na."
"Tatay, ayoko pong sumama sa kanya!" muli pa kong nagwala at tinangkang buksan ang pinto ng sasakyan ngunit ayaw bumukas.
"Huwag ka nang magtangka, Renee automatic lock iyan at umayos ka na lang ng upo," tatawa-tawang sabi ni George.
"Hayup ka! Hayup ka talaga!" wala akong nagawa kundi ang magsumiksik sa sulok ng sasakyan at mag-iiyak.
*****
"Ito ang condo unit ko rito sa lungsod maganda hindi ba? Mahal ito, bukod sa malaking bahay ko sa baryo natin ito rin ang isa sa pag-aari ko at habang inaasikaso ko ang kasal natin hanggang sa maikasal tayo pagkatapos ay lilipat sa mansyon ko dito sa lungsod na ipinagawa ko pa talaga para sa atin dahil doon tayo gagawa ng sarili nating pamilya."
Hindi ako kumikibo dahil wala akong interes sa mga sinasabi nito. Wala akong pakialam kahit gaano pa karami ang mga pag-aari nito o gaano ito kayaman dahil hindi pa rin ako papakasal sa kanya gagawa ako ng paraan para matakasan ang demonyong ito. Alam ko na may masama itong balak sa akin kaya isinama ako rito sa lungsod.
'Narinig ko ang naging pag-uusap nila ni tatay kagabi sisiguruhin niya na maaangkin ako bago ang kasal para hindi na ako makatanggi at iyon ang hindi ko papayagang mangyayari'
"O, ang tahimik mo siguro ay kung anu-ano ang iniisip mo, ano? inisip mo pa bang makakatakas ka sa akin huwag mo nang balakin, Renee. Hindi mo iyon magagawa napakalaki ng utang sa akin ng tatay mo at wala siyang pambayad sa akin maliban sayo."
"Hayup ka! Anong akala mo sa akin kalakal na puwedeng ipampalit sa nakuha niyang pera?"
"Well, wala tayong magagawa sa bagay na iyon. Ang tingin sa iyo ng tatay mo ay pambayad-utang kaya malakas ang kanyang loob na mangutang sa akin dahil gusto kita isa pa pati na ang maliit ninyong lupain na sakahin ay isinanla sa akin buti nga at napakabuti ko sa inyo hindi ko pa rin iyon iniilit. Hayaan mo at kapag kasal na tayo ay ibabalik ko iyon sa tatay mo."
Hindi ko na ulit siya kinibo. Iniisip ko kung paano ako makakatakas sa demonyong ito.
May mga bantay na naiwan sa labas at aminado akong mahihirapan talaga ako sa pagtakas pero alam kong may paraan akong magagawa para makatas sa demonyong si George.
*****
Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ng silid ko. Sigurado akong si George iyon.
Hayup talaga ang lalaking ito hindi palalampasin ang unang gabing narito ako sa poder niya, pero hindi ko siya papayagang magawa ang masama niyang hangarin sakin hinding-hindi siya magtatagumpay na maangkin ako!
Pinapakiramadaman ko ang paglapit niya akin at humigpit ang hawak ko sa baseball bat na nakuha ko sa closet.
Sige, lumapit ka lapit!
"Ang ganda! binti pa lang ulam na, magiging akin ka ngayong gabi."
Tiniis ko ang pangdidiri nang maramdaman ko ang mapangahas na haplos nito sa binti ko.
"Renee, ang ganda mo akin ka na!"
Isang mapangahas na kilos ang ginawa nito sinibasib ako ni George ng yakap at halik. Kaya naman naging mabilis ang kilos ko.
"Hayup ka!" sinalubong ko siya ng palo ng baseball bat sa mukha.
"Agh!" gulat na napaigtad ito palayo. "Hayup ka! bakit mo ginawa iyon?" sapo nito ang napalong mukha saka gigil na akmang lalapit ulit sa akin.
"Hayup ka rin! hindi mo ako maaangkin!" saka isa pa uling palo ang isinalubong ko kay George.
"Agh!" sa pagkakataong iyon napuruhan ko siya sa noo, bumulagta ito sa lapag at mukhang nakatulog habang duguan ang noo nito.
'Sana naman ay hindi ko siya napatay! pero kailangan ko nang makaalis dito bago pa siya magising!'
Maingat akong humakbang patawid sa nakaharang nitong katawan at nang makarating na ko sa pinto ay dahan-dahan ko iyong binuksan at sumilip sa labas. Nakita kong tulog ang tatlong bantay sa sofa at lakas-loob na humakbang na ko palabas ng silid. Naging maingat ako para hindi makagawa ng ingay upang hindi magising ang tatlong bantay hanggang sa makarating ako sa pinto ng unit at nagawa ko nang buksan.
"Hoy, saan ka pupunta?" napalingon ako sa isa sa mga bantay nakabangon na ito at akmang hahabol. Kaya naman wala na kong inaksayang oras tumakbo na ko palabas ng unit na iyon at tinalunton ang mahabang pasilyo.