Chapter 9

2603 Words
Nakita ni Anya ang pagkaway ni Eunice pagpasok pa lang niya ng bulwagan. She formed a sweet smile on her lips bago marahang naglakad palapit sa mga ito. Sinalubong siya ni Eunice maging ni Vince at iginiya sa upuan. Humalik siya Kay Lola Consuelo, na tuwang-tuwa nang makita siya. It's her 80th birthday. Bago kasi ang kaarawan nito ay nagpasabi na siya kay Eunice na baka hindi siya makaka-dalo. Happy birthday po lola." Nag-mano si Anya sa matanda at humalik sa pisngi nito. “Im glad you came, hija. Buong akala ko ay hindi ka na makakadalo sa aking selebrasyon," sabi ni lola Consuelo. Niyakap niya ang matanda at kinonsola, upang pawiin ang lungkot nito kung hindi siya nakadalo. Naupo siya sa tabi nito at masayang nakipag-kwentuhan. Ilang sandali pa ay magsi-simula na ang programa para sa celebrant. "Happy birthday!' Nanigas ang likod niya nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Lalo siyang nakaramdam ng tensyon nang kasunod na marinig ang pagbati ng isang boses babae. Tumayo si Lola Consuelo at hinarap ang mga bagong dating. "Clark hijo. Mabuti at nakarating ka? " "Always, lola. Maaari ko bang palampasin ang 18th birthday ng pinakamagandang lola sa balat ng San Sebastian?" Lambing na bati ni Clark. Lola Consuelo laughed heartily. Clark kissed her. Ipina-kilala nito ang kasamang babae. His current girlfriend, na isang former beauty queen. Si Eva Mendez. Si Anya ay hindi na mapakali. Kamalas-malasan ay naging magkatapat pa sila ng puwesto ni Clark. Pinanatili niya ang composure. Iniwasan niyang mapatingin sa lalaki at sa kasama nito. Hustong magsisimula na ang programang inihanda para sa may kaarawan nang siya namang paglapit ng front desk officer. Nilapitan nito si Anya at may ibinulong. Mabilis na nilinga ni Anya ang pintuang pinanggalingan ng officer na kumaway sa isang waiter na naroon. Mula roon ay bumungad ang isang matikas na lalaki. He was tall and lean. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap at nang matagpuan ang sadya, an excited smile formed in his mouth. Akma siyang tatayo, nang mapabulalas si Eunice. Napansin agad ng kaibigan ang palapit na lalaki. “You’re kidding me! .” Si Eunice Kay Anya. Hindi makapaniwala. Mabilis itong tumayo, larawan ng pagka-surpresa ang kaibigan. “My God… Rence?” salubong ni Eunice. “Hello, gorgeous!” Bati ng lalaki nang tuluyang makalapit. Niyakap ito ni Eunice sa sobrang katuwaan. “Ahm Honey, I’m just right there… lest you forgotten," pabirong bulalas ni Vince na sinabayan pa nang pagkaway. Eunice laughed. Bumaling si Rence Kay Anya na abot-abot sa mata ang kasiyahan. He embraced her warmly, kasabay ang mga katagang... "I have missed you!" "So am I..." She replied seriously. Happiness flows in her. Ipinakilala niya si Rence kay Lola Consuelo. Laking tuwa ng matanda. Naging napaka-giliw nito kay Rence. She said Rence is an adorable, handsome young man. Fun to be with. Palihim niyang sinulyapan si Clark. Nagulat siya nang masalubong ang matalim na mga titig nito. Nagliliyab. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at itunuon ang pansin Kay Rence. “Can’t breathe?” Hindi niya kailangan lumingon para lang malaman kung kanino galing ang seryoso na tinig sa likuran. Naramdaman niya ang paglapit nito. Oh God, she terribly missed him. Pinili niyang magsawalang -kibo at 'wag na lang itong pansinin. Ngayon na lang uli sila nagtagpo ni Clark. Nagpasya na siyang tapusin ang bakasyon sa bansa. Walang dahilan para magtagal pa siya sa Pilipinas. Ilang araw matapos ang pangyayari sa pagitan nila ni Clark ay lumabas sa mga pahayagan ang balita nang napipinto nitong pagpapakasal sa kasintahan. Maging sa telebisyon ay nabalita at naging mainit na usapin ang pagpapa-kasal ng batikang siruhanong si Clark Zantillan at ng former beauty queen na si Eva Mandez. Sa larawan ay masayang magka-yakap ang dalawa. Sa caption ay nakasulat ang mga linyang “The playboy bonafide finally met his match.” Maraming nagpa-abot ng pagbati. Maraming natuwa sa balita. Samantalang siya ay sinakluban ng langit. Nangatog ang kanyang tuhod at tinakasan ng kulay ang kanyang mukha ng makita ang mga larawan sa peryodiko. Labis siyang nasaktan. Higit pa sa naramdaman niya noon. Kung ganoon ay walang halaga sa lalaki ang mga pinagsaluhan nila. Pawang pagpa-panggap lamang ang lahat. Parte ng paniningil nito. Isang parusa. Napaka-estupida niya na hiniyaang mahulog muli sa lalaki. Kanina sa loob ay sumama ang pakiramdam niya. Seeing Clark with another woman makes her sick. Unti-unti niyang naramdaman ang pagkapos ng hininga, sabay ng pagkirot ng dibdib. Kaya't lumabas siya ng bulwagan at nagpa-hangin. Minabuti niyang bumalik na sana sa loob upang iwasan na ang lalaki. Hindi pa man nakaka-hakbang ay mariin siyang napigilan ng binata sa kamay. "Not so fast baby." Ani Clark. “He’s too young…Is he your boyfriend? He asked. “What is it to you?” Pabalewalang sagot ni Anya, dahilan upang mas dumiin pa ang pagkakahawak ni Clark sa pala-pulsuhan niya. Napangiwi siya sa nadamang kirot. “Let me go Clark.” Mariin niyang anas. "You're hurting me." Hindi pinansin ng binata ang sinasabi niya, nagpatuloy ito sa pagpisil. “Let me ask this baby…did you give him a ride too? Have you tasted him?" Angil ng binata, na kinabig siya at marahas na isinandal sa may pader. May kadiliman sa lugar kaya walang sinuman ang makakapansin sa kanila roon. “Damn you, Clark.” Matigas na niyang turan. ”Oh, damn you too. Damn you for making me feel like s**t. Now, answer me.” Ramdam na ramdam ni Anya ang panggagalaiti ni Clark. Nagtatagis ang bagang nito sa galit. Nadadarang siya sa apoy na nag-uumalpas sa mga mata nito. What's gotten into him para magalit ng sobra? Hindi ba at dapat ay s'ya ang nasa posisyon nito? Pero bakit sa pakiwari niya ay s'ya ang nang-a-grabyado? Nanakit ang pala+pulsuhan niya sa higpit ng pagkakahawak ng lalaki. “Kung inaakala mong tapos na tayo ay nagkakamali ka Anya. Nagsisimula palang ako sa paniningil sayo.” Mariing sambit ni Clark. Tila nagbabadya ito ng giyera. Dama ni Anya ang bigat sa dibdib.. Gusto siyang parusahan ni Clark. Iyon ang akmang salita sa ipinapakita nitong galit. At labis syang nasasaktan dahil alam niya kung saan nanggagaling ang poot nito. “What's happening here?" Si Rence, na naghahanap pala kay Anya. Salubong ang mga kilay nito. Mabilis siyang kumawala kay Clark na noo’y madilim pa rin ang mukha. Mabuti na lamang at lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “You okay?” Rence asked nang makalapit siya rito. Naroon ang pagdududa, nakapaskil sa mukha ang pagtataka. Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. “Yeah, may itinanong lang siya sa akin. Let's go, Rence.” Kulang na lang ay hilahin ni Anya ang binata. Kahit na iginigiya na niyang papasok si Rence ang buong pansin nito ay nakatuon Kay Clark. Naiwan si Clark na bagamat pumormal ang mukha ay nagkuyom ang mga palad. Kulang na lang ay magbuga ng apoy ang mga mata nito sa sobrang paninibugho. Bulto ni Clark ang bumungad kay Anya pagbukas niya ng pinto. Inaasahan niya ng gabing iyon si Rence kung kaya't hindi na niya pinagka-abalahan pang sumilip sa peephole. “Ganyan ka ba humarap ng bisita in a late hour of the night? How decent?” sarkastikong sabi ng lalaki. Mula sa mukha niya ay bumaba ang mga mata nito sa kanyang dibdib. Sumunod doon ang mga mata niya at noon niya lang napansin na nawala sa ayos ang suot na roba na ipinatong niya sa manipis na pantulog. Mabilis na pinagsalikop niya ang tela upang mapagtakpan ang nakahantad na dibdib. Napaatras siya ng bahagya nang tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng apartment niya si Clark ng walang imbitasyon mula sa kanya. “I’m tired and I wanna rest." Anito na hindi man lang siya nilingon. Tuloy-tuloy itong umakyat sa itaas, as if he owned the place. Mabilis na Isinara niya ang pinto at sumunod sa lalaki na noo'y nasa pangalawang palapag na ng bahay. Kakatwang alam nito kung aling kuwarto ang inu-ukupa niya. Tumuloy ito roon. Suot-suot pa ni Clark ang white coat nito, mukhang galing pa ito ng ospital. Pansin ang pagkahapo sa lalaki. Para tuloy gusto niyang makonsensya. Basta nalang nitong inihagis sa single sofa na naroon ang attache case na dala at walang pakundangang naghubad na ikinapanlaki ng mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin. Pagbaling niya padapang nakahiga ang lalaki sa kama niya, na ni hindi man lang pinagka-abalahang takpan ang kahubaran. Clark... “Let me sleep, okay? Bukas mo na ako awayin.” Putol nito sa sasabihin sana niya. Damn, she sighed. Saglit pa at nakatulog na ang lalaki. Ilang minuto rin niya itong pinagmasdan muna bago inabot niya ang comforter at kinumutan ang binata. Pagkatapos ay isa-isa niyang dinampot at inayos ang mga pinaghubaran nito. Mataas na ang araw nang magising si Clark. Wala si Anya sa silid. Napansin niyang maayos na naka-hanger sa isang tabi ang mga pinaghubaran niyang damit. Kagabi ay pinilit niya pang tumabi sa kanya sa kama si Anya. Bagamat wala naman nangyari sa pagitan nila, masarap sa pakiramdam na yakap-yakap niya ang dalaga buong magdamag sa kabila ng pagtutol nito. Inabot niya ang nakitang tuwalya, mukhang inihanda talaga iyon ng dalaga para sa kanya. Saglit syang nag-banyo pagkatapos ay nagbihis. Pababa na siya nang maulanigan ang mga boses na tila nagtatalo sa ibaba. “What the hell is he doing in your room? You slept with him?” Sunod na tanong ni Rence. Hustong inihihilamos ang mga kamay sa mukha. Salubong ang mga kilay nito at totoong nakararamdam ng pagkadismaya sa kaharap. “Rence no…nagpalipas lang siya ng magdamag dito sa apartment. Nothing happened, okay? Pagod iyong tao at…” "But still hindi mo siya dapat hinayaan na magpalipas ng gabi dito. Sweetheart, he's f*****g getting married soon, as if you don't know.' "I know Rence... I know. So stop blaming me." “Your action is not comprehensible. You're a good woman, for God sake! You're getting demoted into despicable woman if you keep seeing him,” agaw ni Rence. Palakad-lakad ito sa living room at pamaya't-mayang napapabuga ng hangin. Madilim ang mukha Pagkuway bumaling sa kanya. Naging Seryoso ang mukha. "Let's get back to the Sates. The sooner, the better." ”Hmm…” tikhim ni Clark na hindi na nakatiis. Doon na piniling ipa-alam ni Clark ang kanyang presensya. Kanina pa siya nagpipigil sa lalaki. Sino ito para pagsalitaan ng ganun si Anya. Tunay na nakapagpapa-init ito ng ulo. Sabay na napalingon ang dalawa. Nasapo ni Anya ang ulo ng makita ang binata. Sukat sumakit bigla ang ulo niya. Si Rence ay mas lalong nagdilim ang mukha. Lumarawan ang labis na pagka-disgusto. “I’ll go ahead…” paalam ni Rence na humakbang patungong pinto. Matalim ang matang pinasadahan si Clark. “Rence.” Habol niya ngunit tuloy-tuloy lang ang lalaki palabas at mabilis na pinaharurot ang gamit na sasakyan. “Quarreling at this early of hour?” Si Clark. “Oh please… kung maayos na ang pakiramdam mo you can also leave now,” iritadong tugon ni Anya. “That fast? Hindi mo man lang ba ako aaluking mag-breakfast?” Anya rolled her eyes. Napaka-imposible talaga ng lalaking ito. Paano nito nagagawang parang balewala lang ang lahat. Tinungo niya ang kusina. Sumunod si Clark. Maganang kumain ang lalaki, pansin iyon ng dalaga. Tahimik lang siyang nakamasid dito. Gusto na niyang singhalan si Clark, batid niyang sinasadya nito ang lahat. It was all part of his vegeance. “Ito na ang kahuli-hulihang matutulog ka sa bahay ko Clark.” Sambit ni Anya. “Bakit dahil i***********l niya?" “No, dahil iyon ang tamang gawin.” Kumibot-kibot ang labi ni Clark, impit na natawa. Umangat ang kamay nito patungo sa kanyang mga labi. Humaplos at dumama. Nagsimulang mag-init ang mukha ni Anya. “Ako ang magpa-pasya sa bagay na iyan, Anya. Sa ayaw at sa gusto mo nasa akin ang lahat ng karapatan sayo, like the old times." Sarkastikong wika ni Clark. "Sharing you with him is unacceptable. But my upcoming marriage is not an issue. We can do whatever we wanted. " Anya felt her anger rising within her. Ngunit pilit siyang nagpaka-hinahon. Hindi niya bibigyan ng kagalakan ang lalaki na makita siyang talunan. “Are you proposing I become your mistress?” Ang maaskad na tanong niya sa lalaki. 'Kinda like." Ang mabilisang na tugon ni Clark. “You're impossible,” impit na tugon ni Anya, na gustong maubusan ng pasensya sa binata. “Throw him out of the way. You know me. Hindi ko ibina-bahagi sa iba ang pag-aari ko," sambit ni Clark. "Name your price and you will have it.” Halos hindi mapaniwalaan ni Anya ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Clark. Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa pagkatao niya para hayagan siya nitong kutyain? “Not easy for me throwing someone close to me. I'm sorry but..." "Really?" Agaw ni Clark. "Wow! Coming from you?" Mocking hostility in his voice. "That's something is not new to you... apparently you're good into putting someone through hell....right Anya?" Dugtong ng lalaki. Hindi nakapag-salita si Anya, tila punyal na tumarak sa kanyang dibdib ang mga binitawang salita ng kaharap. Yumuko ang dalaga sa kabila nang pagbangon ng galit. "I'm sorry but I can't... I can't live without Rence.” Kalmante niyang sagot. Umigting ang panga ni Clark tumuwid ng upo. Nagpaka-hinahon. Tumitig ng matiim kay Anya, inarok ang katotohanan sa mga sinabi nito. "Well, If that’s the case then lets play the game by my rules," pikong dagdag ni Clark. “Is that what you wanted playing games with me and you're fiancee?” balik na tugon ni Anya sa binata. “Don’t compare yourself to her," madiing sagot ni Clark. "Eve is respectable and a good woman, while you…” Hinagod siya nito ng tinging may pag-aalipusta. "You're nothing but a good f**k buddy,” pabiglang sagot ni Clark. Isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Clark. Nasapo ng binata ang pisngi. “What was that for?” Si Clark na halatang nagulat. “You!" Dinuro niya si Clark. You're an incurable asshole!" Mabalasik na sagot ni Anya. "Wala kang karapatang insultuhin ako dahil wala kang alam. You know what crazy, Clark? You're such a fool without noticing it. Now, leave! At ito na sana ang huli nating pagkikita.” Tumaas-baba ang dibdib niya sa sobrang poot at pagkamuhi. Bumukal ang pinipigilang luha sa Mata. Mabilis na siyang tumalikod. Naiwan si Clark. “You can’t live without Rence, that’s bullshit! Sambit ni Clark habang hinahampas ang kamay sa manibela ng sasakyan. Mistulang batingaw sa simbahan na paulit-ulit na nagsusumiksik ang mga salitang iyon ni Anya. Kilala niya si Rence. i Isang race car driver na nagsisimula pa lamang sa larangan ng car racing. Napanood na niya ito sa isang malaking drag race competition sa bansang Australia. Aminado siyang magaling na rookie ang lalaki. Ngunit bata pa rin ito sa tingin niya, pipitsugin sa madaling sabi. Kung hindi niya ito nakitang kasama si Anya noong araw na iyon ay bilib na sana siya sa lalaki. Rence was Anya's rumored boyfriend. Ngunit walang pag-amin mula sa dalawa. Walang competition na hindi nito kasama si Anya. Lagi na'y naka-suporta ang dalaga. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na si Anya ang sumasagot sa lahat ng gastusin ni Rence sa pamamalagi dito sa bansa. Paanong hindi niya malalaman. Isa sa mga pag+aari niya ang hotel, kung saan naka check in ang lalaki, at hindi biro ang halaga ng bawat araw doon. Isa pa iyon sa labis na nagpapa-init sa ulo niya. He offered her money, ngunit naging matigas ito sa pagtanggi na pinagtatakhan niya, gayong nagawa na ni Anya iyon noong araw. Kung tutuusin ay maayos na siya. His plans are all set. Tama si Vince, kailangan niya nang magka+pamilya. And Eva was the right choice. They were doing good for a year now. At proposal nalang ang kulang na alam niyang matagal nang hinihintay ng kasintahan. Sa muling pagbalik ni Anya sa buhay niya ay biglang nabura lahat ng magandang plano niya kasama si Eva. At upang maisalba ang sarili sa muling pagkahumaling sa babae ay inalok na niya ng kasal ang kasintahan. But he can’t deny the strong feeling of wanting Anya. Kaya kahit maling alukin na maging babae niya ay ginawa pa rin niya. He can’t ignore the fact that he wanted her back, no matter what she’d done in the past. Ngunit tinanggihan siya ni Anya. Mas pinili nito si Rence na para sa kanya ay totoy, na ni wala pa namang napapatunayan. He can't contain his anger. It feels like he's going to explode.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD