Chapter 25

2181 Words
Nandito kami ngayon ni Icerael sa bahay kubo na nasa likuran kang ng bahay namin. Nakaupo kaming dalawa ni Icerael sa papag habang nakayakap mula sa likuran ko si Icerael. Hindi ko nga maiwasan na matawa kapag naaalala ko yung simpleng pagtatalo namin ni nanay kanina bago kami pumunta dito sa bahay kubo. "Hosea! Dali na kainin mo na itong hilaw na itlog na ito. Makakatulong ito sa panganganak mo mamaya" sabi ni nanay sa akin habang inilalapit nya sa akin ang hilaw na itlog na nasa mangkok. "Nay naman, ayoko nga sabi eh" tanggi ko habang nilalayo sa akin ang mangkok. "Ala eh, dali na. Makakatulong ito sayo" pagpupumilit ni nanay sa akin. "Nay naman, pag gusto lumabas ng apo mo ngayon, kahit walang itlog, lalabas iyan" dipensa ko pero agad akong hinawakan ni nanay sa panga at sapilitan na ipinakain sa akin ang hilaw na itlog. "Putang---" "Sige subukan mo iyan ituloy, ipapakain ko ulit sayo yung itlog sa ref" banta sa akin ni nanay. "Put tang in a glass of water, and you make halo-halo ito to make a juice! Ito naman si nanay, masyadong advance mag isip. Malakas ba guardian angel mo sa likod" biro ko sa kanya at ambang hahampasin nya ako ng hanger ng tinuro ko ang tyan ko. "Pumunta na nga kayong dalawa ni Icerael sa likuran!" Taboy nya sa akin bago nya ako tinalikuran. "Love?" Tawag sa akin ni Icerael. Tinagilid ko ang ulo ko para makita ko sya, "Hmm?" Tinignan nya ako at umiling lang sya sa akin habang nakangiti. Yumuko sya para mahalikan nya ako sa noo at napapikit naman ang mga mata ko para damhin ang paglapat ng labi nya sa balat ko. "I love you" sabi nya sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang likuran ng palad nya. Ngumiti ako at kinuha ang kamay nya para dalhin ito sa bibig ko, saka ko pinatakan ng mababaw na halik iyon, "I love you too." Niyakap nya ako muli pagkatapos non. Sandali lang kaming ganon dahil humigpit ang hawak ko sa braso nya, kaya napatingin sya sa akin agad. "W-why?" Nag aalala nyang tanong nya sa akin. "M-manganganak na ata ako" sambit ko habang namimilipit na sa sakit. Agad nanlaki ang mata nya at agad nya akong binuhat. Tumakbo sya papunta sa bahay habang buhat ako para hanapin sila nanay. Nakita namin sila nanay na nag uusap sa kusina, at nang makita nila kami ay agad silang napatayo. "Manganganak na po si Hosea!" Anunsyo ni Icerael at agad na tumayo si ate para lapitan kami. "Ready your car. Now!" Seryosong sabi ni ate kay Icerael kaya binaba nya ako muna sa sofa para ma-on nya ang sasakyan nya. Nilapitan ako ni ate at nilapat nya ang kamay nya sa dibdib ko, "Hindi na normal ang heartbeat mo" puna nya sa akin kaya napakagat ako sa labi ko. Bumalik si Icerael at agad nya akong binuhat para maisakay sa kotse. Kasama namin si ate at nag paiwan sila kuya sa bahay dahil ihahanda nila ang mga gamit ng bata. Pagkarating namin sa hospital, agad na lumabas sila ate at Icerael para sabihan ang mga nurse. Bumalik naman sila at agad nila akong inihiga sa kama at dinala sa labor room. Pawis na pawis ako habang iniinda ko ang sakit. Narinig ko kasi kanina na, nag lalabor palang daw ako. Maya maya kunti ay manganganak na ako. So putangina, wala pa ito sa sakit na maramramdaman ko mamaya. "Hija, relax ka lang muna" mahinahon na sabi sa akin ng doktora. Pinasok nya ang daliri nya sa gitna ng binti ko para tignan siguro kung pwede na ako manganak.  "It's already 8 centimeters" sabi ng doktora at pinagtuturo ang mga nurse na nasa paligid, "Ready the delivery room, now." Pagkasabi ni doktora ay naglakad na sya papunta sa pintuan para siguro mauna na sa delivery room. Ewan ko, wala na akong pakielam. Ang gusto ko lang, matapos na ito. Period. Lalabas na sana si doktora nang pigilan sya ni ate, "Doc." Tinignan ni doc si ate at bahagyang tumaas ang dalawang kilay nya, "Yes?" Tinignan nya ako at ganon din si Icerael na ngayon ay hindi mapakali sa kinalalagyan nya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko sa kaba, dahil alam ko na kung anong sasabihin ni ate. "Your patient has Spontaneous Coronary Artery Disease, and hindi po gumaling iyon" seryosong sabi ni ate sa doctor at agad akong tinignan ni doktora. Ramdam ko ang pagtigil ni Icerael sa paglalakad at ang pagtitig nya sa akin. Dahan-dahan akong nilapitan ni doktora at kinapa ang dibdib ko. "Your heartbeat is not normal" puna nya at tinignan nya ako sa mata. Kung kanina ay nakakaramdam ako ng sakit sa tyan ko at sa p********e ko, ngayon parang wala akong nararamdaman kundi kaba at takot. Ngayon lang pumasok sa utak ko na pagkatapos nito, wala na ako. Ni hindi ko na makikita pa ang anak ko na lumaki. Ni hindi ko na makakasama si Icerael sa pag aalaga. Ni hindi ko na masasabi sa kanya ang wedding vow ko na isinulat ko kagabi. "Hija, bibigyan kita ng pagkakataon mamili. Ikaw, o ang anak mo?" Tanong ni doktora sa akin. Naramdaman kong hinawakan ako ni Icerael sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata nya ang mga luha na nag babadya na bumagsak. Bumuntong hininga ako, "Yung anak ko po, doc." "No!" Agad na sabi ni Icerael at narinig kong pumiyok pa boses nya. Tinignan ko si Icerael na ngayon ay umiiyak na habang hawak nya ang kamay ko. Inangat ko ang kamay ko para hawakan sya sa pisngi nya. "Don't cry love" sabi ko sa kanya pero agad na umiling sya. "Please, please, don't leave me. You need to stay alive. Please, love don't don't this to me. Please" Sabi nya habang umiiyak sya at hinahalikan ang kamay ko na nasa pisngi nya. Umiling ako, "Please don't make this hard for me. Besides, may iiwan naman ako sayo eh." Umiling iling lang sya, "I don't care! Bakit hindi mo sinabi? Pwede naman tayong mag adopt eh. Tell me why?" He said while he was crying. I can hear his fraustration sa boses nya. "Icerael, listen to me" mariin kong sabi habang umiiyak na rin ako, "I will give birth to our baby. To our angel. At sinabi ko sa sarili na pag dumating ang araw na ito, piliin mong mabuhay ang anak natin. Hayaan mong makita nya ang mundo, baby. Huwag mong ipagkait sa kanya ang karapatan na mabuhay." "I don't care, all I need is you. You need to stay alive. Paano ako? Iiwan mo na ako ng ganon lang?" Ilang beses akong umiling sa kanya, "Hindi naman kita iiwan eh, nandyan lang naman ako sa tabi mo parati." "H-hindi ka ba natatakot mamatay?" Tanong nya sa akin habang nakasubsob ang mukha nya sa palad ko. "God knows  kung gaano ako katakot mamatay. Ayoko pang mamatay, Icerael. Ayoko pa. Gusto ko pa makatapos ng pag aaral. Gusto ko pa maging ganap na engineer. Ang dami ko pang gustong gawin, pero as a mother, I'm willing to sacrifice all of it mabuhay lang ang anak natin" sagot ko sa kanya habang umiiyak ako. "Baka may iba pa pwedeng gawin, bawal kang mamatay!" Hinagpis ni Icerael. "Simula palang, tanggap ko na ang kapalaran ko. Saka, doon din naman tayo lahat pupunta. May last favor sana ako sayo, Icerael" sabi ko at tinignan nya ako. "Pwede bang ipakilala mo ako sa anak natin? You can visit my grave. Pwedeng yung pictures. Saka, please find someone else. Yung hindi ka iiwan. Hindi naman ako magagalit" sabi ko sa kanya at agad syang umiling. "Hindi ako makakahanap ng iba. Mananatiling ikaw ang mamahalin ko sa hanggat nandito ako sa mundo." I caressed his face, "I'm sorry iiwan na kita, but I will always be there. Not physically pero nandyan ako." "Hija, it's already 10 centimeters, manganganak ka na" agaw ni doktora sa atensyon namin. Tinignan ko sya at nakita kong umiiyak si ate. Agad nya akong niyakap at hinagod ko agad sya sa likod.  "Ate, mukhang hindi ko na maabutan sila nanay at yung mga kaibigan ko. Ibibilin ko nalang sayo na kunin ang box na nasa ilalim ng kama ko. May mga ginawa ako doon na letters at may pangalan naman iyon. Ipamigay mo sa kanila, after this" habilin ko kay ate at tumango lang sya. Inangat nya ang ulo nya para haplusin nya ang buhok ko, "I'm sorry kung nagkulang kami sa iyo. I'm sorry kung naisip mo na masyado kaming mahigpit sa iyo. Gusto lang namin kung anong makakabuti sa iyo." Tumango ako sa kanya habang nakangiti, "Ayos lang ate, naiintindihan ko naman kayo." Tinignannko si Icerael na ngayon ay umiiyak pa rin. Umalis sa pagkakayakap sa akin si ate para bigyan gng space si Icerael. Siniksik nya ang ulo nya sa leeg ko habang umiiyak sya. "I love you, I love you, I love you, keep that in mind" umiiyak nyang bulong sa akin habang hinahalikan ako sa leeg ko. "I love you too, and mahalin mo sana si Hilary gaya ng pagmamahal mo sa akin" sabi ko at agad syang tumango. "Hija, lets go bago panpumutok panubigan mo dito" sabi ni doktora kaya dahan-dahan na kumalas si Icerael sa akin. Bago tuluyan maisara ang pintuan ng delivery room, nakita kong sumilip pa si Icerael at si ate habang nakangiti sa akin. Nginitian ko rin sila at kinwayan saka nag flying kiss pa. At ng tuluyan ng sumara ang pintuan, napalunok nalang ako habang nakatingin sa kisame. Naramdaman kong may itinurok sila sa likuran ko at agad akong pinairi ni doktora. Limang ire ata ang pinilit kong gawin kahit sumasakit na ang puso ko at hirap na ako sa pag hinga, bago ko naramdaman ang pag labas ng anak ko sa akin. And after hearing her daughter's first cry, Hope Asea De Sanjose passed away. "Ate! Ate!" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Hilary na nakatayo habang suot nya ang puting bestida nya. Pinagmasdan ko ang paligid at nakita kong nasa hospital pa rin ako, pero puti amg lahat. Agad kong tinignan ang suot ko, at nakaputing bestida rin ako. "Ate, yuhoo!" Tawag ni Hilary sa akin kaya binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Nandito ka rin?" Tanong ko sa kanya at tumango sya. "Diba nga ate sabi ko sayo dati, kaya lang naman ako nagsstay sa mundong ibabaw ay dahil kay mama, at dahil may hinihintay pa ako" sagot nya sa akin habang nakangiti sya. At doon ko lang naalala yung sinabi nya sa akin ng huli ko syang makita sa simbahan. Hindi ko kasi maiwan si mama eh. Paano nalang po sya pag umalis na ako dito? Saka, may iniintay pa po kasi ako, sabi ko sabay na po kaming aalis dito sa mundog ibabaw. Tinignan ko sya at nakangiti pa rin sya sa akin, "A-ako yung iniintay mo?" Tumango sya sa akin habang nakangiti. Maya-maya ay nag lahad sya ng kamay sa akin. "Tara na po ate?" Tinignan ko ang likuran ko at binalik ko ang tingin ko kay Hilary na nakangiti pa rin at nakalahad ang kamay sa akin. "Huwag po kayong mag alala ate, makikita nyo po ang anak nyo at si kuya Icerael mula doon" sambit nya sa akin at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nya. "You did a great job ate sa mundo. Tapos mo na po ang mission mo, kaya kailangan mong bumalik sa tunay na tahanan natin" sabi ni Hilary at tinuro ang likod nya na sobrang puti at nakakasilaw sa mata, "Dito po." "Lahat naman po tayo mamamatay. Lahat naman po tayo, dito pupunta sa dulo. Yun nga lang, hindi natin sigurado kung kelan at sino ang mauuna" sabi ni Hialry at tinuro ang likod ko, "Gaya nalang po nya." Tinignan ko kung sino yung tinuro nya at isang matandang lalaki ang nandoon. Naka suot sya ng puting tuxedo at nakahawak sya sa may dibdib nya. Hindi nya ata kami nakita ni Hilary, at diretso lang ang lakad nya. "Katulad nyo po, may kailangan din po syang iwan sa mundo ng mga tao. Dapat ikakasal na sya ngayon, yung nga lang may bumaril sa kanya" pagkwento ni Hialry habang pinagmamasdan nya ang lalaking iyon na pumasok sa pintuan na puro puti. "B-bakit at papaano mo nalalaman yung mga ganyan?" Tanong ko kay Hilary at nag baba ako ng tingin sa kanya. "Ako po kasi yung inatasan na manundo at sundan lahat ng mga taong mamamatay na" sagot nya sa akin. "Kaya ate, tara na po, maganda po doon. Walang sakit, walang lungkot. Masaya lang" sabi nya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Handa ka na po ba?" Tanong nya sa akin at tumango ako. Nag lakad na kami patungo sa kung saan puro puti ang makikita. Hindi rin nakatakas sa pandinig ako ang iyak ng bata, at ang pag banggit ng mga katagang......... Welcome to the world, Hilary Jace De Sanjose Monteferrante. Tandaan mo na mahal na mahal tayo ng mommy mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD