December 31 na ngayon at nag aayos lang ako ng gamit na dadalhin ko sa condo ni Icerael mamaya. 10:30am palang naman, at mamayang 12pm pa naman nya ako susunduin pero mas maganda na kung mag ayos na ako ngayon. Hanggang January 2 ako nandoon, bago kami babalik dito sa UP para sa pagbalik ng klase sa January 5.
"Ay, yan lang dadalhin mo? Ayaw mo nitong lingerie?" Nakangising tanong sa akin ni Chelsy habang hawak nya ang sky blue na lingerie ko.
Hinablot ko iyon sa kamay nya at initsa sa kama ko, "Gago!"
Tumawa lang sya at tumayo na para pumunta sa kusina, "Baka kasi may gawin kayong kababalaghan, at hindi firecrackers ang pumutok!" Sigaw nya mula sa kusina.
"Tangina ka, gago ka Chelsy!"
Pinagpatuloy ko nalang ang pag aayos ng gamit ko. May tatlo akong dalang pang tulog, at dalawa ring pang alis. Mamaya kasi mag aya si Icerael ng biglaan.
Nung matapos ako sa pagtitiklop ng damit, at paglalagay ng damit sa bag ko, sumandal ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko.
From: Icerael
Hey, I miss you
Natawa naman ako habang nag titipa ng mensahe.
To: Icerael
Gagu! Mag kikita tayo mamaya
Hindi ko na inabalang tignan pa kung nag reply si Icerael sa akin. Tumayo na ako para makakuha ng damit na susuotin ko, at makaligo na. Simpleng denim shorts, white shirt ang suot ko. Mamaya bago umalis ay mag susuot ako ng black jacket.
"Oh kumain ka na dito, para more time to get ready" agad na sabi ni Chelsy sa akin pagkalabas ko ng banyo.
Kinusot kusot ko pa ang ilong ko gamit ang twalya na nasa uluhan ko, habang nakatingin sa kanya, "Ano niluto mo?"
"Frid chicken lang" sagot nya at tumingin sa akin, "Ang dugyot!"
Natawa naman ako at tumigil sa pag kusot ng ilong ko. Nilagay ko na sa laundry baket ko ang twalya dahil balak ko na pag uwi ko galing sa condo ni Icerael, ay magpapalaundry na ako ng damit namin. Medyo natatambak na kasi, dahil hindi pala nagpalaundry ang gaga nung wala ako.
"Dahil mabait ako, ako na mag huhugas" biglang sabi ni Chelsy habang kumakain kami pareha.
Gulat akong napatingin sa kanya, "Hoy, grabe! Ano binulong sayo ng santo at nagkaganyan ka?" Sabi ko habang sinisipsip ang buto ng manok.
Tinapunan nya ako ng tingin bago idinuro gamit ang kutsara nya, "Ikaw kahit kelan ang epal mo rin. Ikaw mag hugas sige."
Nginitian ko naman sya bigla ng malapad, "Hindi diba ano, love mo ako, kaya ikaw mag huhugas."
Pinakita nya sa akin ang middle finger nya, "Ikaw ito oh."
Nangaasar akong ngumiti sa kanya, "Thank you."
Napailing nalang si Chelsy at pinagpatuloy ang pagkain nya, "Hay, paano ba kita naging kaibigan?"
Muntik kong mabitawan ang hawak kong pitsel ng tubig sa sinabi nya, "Same question!"
Gaya nga ng sinabi ni Chelsy ay sya na rin ang nag hugas ng pinagkainan namin. Pumasok ako sa banyo para mag sipilyo, at kunin ang mga gamit ko para mailagay ko sa bag ko. Paglabas ko ng banyo, ay nakita ko na si Chelsy na nag pupunas ng kamay sa basahan.
Naupo ako sa kama ko at binuksan ang zipper ng bag ko para mailagay ang grooming kit ko.
"Gamot mo, nailagay mo dyan?" Tanong sa akin ni Chelsy nung makalapit sya.
Tinaas ko yung bag na may laman ng mga gamot ko at pinakita sa kanya, "Dala ko po mam."
"Oh basta pag inatake ka, tawagan mo ako o di kaya ang ate mo para madalhan ka sa hospital" bilin sa akin ni Chelsy habang nasa harapan ko sya nakatayo at nakapamewang.
Nag angat ako ng tingin sa kanya, "Opo nanay, masusunod po."
Nalukot ang mukha nya bigla, "Seryoso kasi Hosea. First time na hindi ka matutulog kasama ko, o kasama pamilya mo. Alam mo namang kapatid na turing ko sayo eh."
Sumeryoso na rin ako at bumuntong hininga bago itinabi ang bag ko para makatayo ako. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya at tinignan sa mata.
"Huwag ka ngang mag alala, magiging okay naman ako. Walang mangyayari, promise" paninigurado ko sa kanya at bahagya pa syang inalog.
Nag iwas sya ng tingin para tignan ang orasan namin dito sa dorm, "Oh, quarter to 12 na. Ang bilis naman ng oras."
Naupo ukit ako sa kama ko para tignan ang mga gamit na nasa bag ko. Wala naman na akong nakalimutan dalhin, kaya zinipper ko na ulit ang bag ko at tumayo na para mag lakad patungo sa shoe rack namin.
Kinuha ko yung sapatos ko na color black and white at iyon ang sinuot ko. Pagkatapos non, ay kinuha ko yung black na jacket ko at sinuot iyon, saka nilingon si Chelsy na nakatungo sa phone nya.
"Baba na ako" paalam ko sa kanya at nag angat sya ng tingin sa akin.
"Hatid kita?" Alok nya pero agad akong umiling.
Binuksan ko yung pintuan namin at nilingon ulit si Chelsy na nakaupo sa may kainan namin, "Advance Happy New Year!"
Ngumiti sya sa akin, "Advance Happy New Year din! Enjoy!"
Sinara ko na ang pinto at nag lakad na papunta sa elevator ng floor namin.
"Oh Azure, nasa Maynila ka pala" gulat kong sabi nung bumukas yung elevator at nakita ko si Azure na nasa loob.
"Oo, kauuwi ko lang dahil may tatapusin akong project" sagot nya at pinasadahan ako ng tingin mula ulot hanggang paa, "Ikaw, saan lakad mo?"
Sumakay ako ng elevator kaya umuso sya kaunti, "Sa condo ako ni Icerael mag babagong taon."
Impot syang napasigaw kaya hinampas ko sya sa braso nya, "Ingay!"
Nang aasar syang tumingin sa akin, "Kayo ah, baka iba ang iputok nyo mamayang hating gabi."
I looked at her, "Ang dugyot nyo! Ang dudumi ng utak ninyo!"
"Oh well, balitaan mo kami kung anong nangyari ah" sabi pa nya at kinindatan ako.
"Sila Gail at Alysia ba, nasaan sila? Wala akong nariirnig tungkol sa kanila, actually sa inyong tatlo. Hindi naman kayo nag uupdate sa gc natin" Tanong ko, obviously iniiba ang topic.
Bumtong hininga si Azure, "Si Alysia nasa Taiwan, doon nag pasko saka mag babagong taon. Habang si Gail ay nasa Japan ngayon" sagot nya sa akin at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib nya.
Nilingon ko sya, "Oh? Mga nasa abroad pala mga iyon. Eh ikaw, umuwi ka ng Ilocos?"
Bumuntong hininga sya, "Obviously yes. Sabi ko nga kanina, kauuwi ko lang kaninanh madaling araw, dahil may icacram akong project."
Hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator namin ay nag kukwentuhsn pa rin kaming dalawa.
"Sabihin mo gamit kayo protection, bawal kang mabuntis" paalala ni Azure sa akin bago kami nag hiwalay ng landas. Lalabas kasi sya ng building, habang ako ay mag sstay sa lounge.
Napailing nalang ako at naupo sa sofa na nandito sa lounge ng building. Kinuha ko ang phone ko para itext si Icerael.
To: Icerael
Babe, nasa baba na ako
Hindi naman nag tagal ay tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ulit iyon.
From: Icerael
I'm on my way love
Hindi na ako nag reply at nilagay sa bulas ng jacket ko yung phone ko. Bawat tao na dumadaan dito sa lounge ay sinusundan ko ng mga tingin, dahil wala na akong magawa. May nakikita pa nga akong mag jowa at yung suot ng babae ay spaghetti strap lang at short.
The f**k?
"Hey"
Napalingon ako sa may pintuan ng building namin at agad na napatayo nung makita si Icerael na nandoon. Agad ko syang nilapitan at niyakap sa bewang nya. Naramdaman kong nilagay nya ang mga braso sa bewang ko saka ang pag halik nya sa noo ko.
"Lets go?" Aya nya sa akin habang tinitignan ako.
Ngumiti ako sa kanya, "Tara!"
Kinuha nya ang bag na dala ko, at sya ang nag bitbit non. Hindi naman na ako nakipagtalo pa, dahil hahaba lang ang usapan at in the end, sya mananalo. Habang naglalakad kami papunta sa kotse nya, he snaked his arms around my waist to pull me closer to him.
Pinatunog nya ang kotse nya gamit ang remote at binuksan saglit yung pintuan ng backseat para doon ilagay ang gamit ko. After that, binuksan nya ang pintuan ng shotgun seat para makaupo ako, bago sya umikot para makaupo sa drivers seat.
"Are you hungry?" He asked in a low baritone voice.
Nilingon ko sya, "Okay lang, sakto lang. Ikaw ba?"
I saw him pursed his lips before nibbling his lips, "Busog pa naman ako."
"Then sa condo mo nalang tayo kumain" sagot ko sa kanya at nginitian sya.
Tumikhim sya bago lumingon sa bintana nya saglit, "Yeah, I will cook for you."
Lumiwanag ang mukha ko sa narinig, "Ows, talaga?!"
He looke at me before looking back again in front, "Yeah."
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan angpag ngiti ko, "Nagluluto ka pala, dapat pala ikaw nag luto isang beses nung nasa Bicol tayo."
Nilingon nya ako saglit, "Well, you didn't ask."
Pinaningkitan ko sya ng mata, "Ah sorry kasalanan ko pala" sarkastiko kong sabi sa kanya.
Nakita kong nilingon nya ako at bahagya pang natawa kaya mas napikon ako. Mukha namang napansin nya iyon kaya sumeryoso na muli ang mukha nya.
"Hey, I'm sorry for annoying you" agad nyang sabi kaya napangiti agad ako.
"Hindi, tangina dyan ka lang. Huwag mo kong pansinin" pero syempre dapat di ka marupok.
"Hey" he tried to reach my hand pero iniiwas ko iyon sa kanya.
"Icerael, mata sa daan nga. Tangina pag na aksidente tayo sinasabi ko sayo" puna ko sa kanya at tinuro ang daanan.
Hindi sya nakinig at hinagilap ang kamay ko, at nag tagumpay namam sya doon. Nung mahawakan nya kamay ko, he intertwined our hands before pulling it towards his lips to kissed the back of my hands.
Agad naman akong natunaw sa ginawa nya kaya umiwas ako ng tingin para hindi nya makita ang pamumula ng pisngi ko.
"You're blushing" rinig kong sabi nya kaya napalingon ako sa kanya.
"Heh!"
Natawa naman sya ng bahagya sa akin. Hindi nya pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko. Nakahawak yung kamay nyang may hawaka sa kamay ko sa gear kaya yung likuran ng palad ko ay nakadikit sa gear.
"Tangina ang gara ng condominum!"
Agad kong sabi nung makita ko yung condominum building kung saan sya nakatira. Manghang mangha ako dahil ang taas nito at kitang kita kung gaano kayaman ang mga nakatira dito.
Saglit na nag park si Icerael sa isang floor ng parking lot. Ika nya ay may sarili syang parking space para sa dalawang sasakyan. Tangina lang.
"Ako na mag bibitbit nyan" agad kong sabi nung kinuha nya ang bag ko mula sa passengers seat.
Tinignan nya ako, "No, I insist."
Umikot sya sa kanilang side para masara ang kotse nya, kaya sumunod ako sa kanya.
"Icerael give it to me---"
Kusang napapikit ang mata ko nung hawakan nya ang pisngi ko and then he angled his face sidewards before claiming my lips. He sucked a bit my lower lip and biting it gently. I tried to kissed him back but he won't let me.
I breathe a large amount of air pagkatapos nya akong bitawan. Tinitigan nya ako ng matagal sa mata bago bumaba ang tingin nya muli sa labi ko. He caressed it gently bago nya ibinaba ang kamay nya para hapitin ako sa bewang.
"We should go inside" he whispered in my ear.
"Y-yeah" utal kong sagot kaya natawa naman sya sa akin bago ako hinalikan ulit sa noo.
Tahimik lang kami para sa elevator hanggang sa makarating kami sa floor kung saan ang unit nya.
"Umuuwi ka pa ba dito?" Tanong ko pagkapasok namin sa unit nya.
"Not really. Once a month, bumibisita ako dito" sagot nya habang tinatanggal ang sapatos nya.
Nilibot ko ang paningin sa buong unit nya. Yung mga pader ay may pintura ng white and gray. Pag dumeretso ka ng lakad may makikita kang chandelier na ilaw sa gitna ng sala nya kung nasaan ang tv, at bookshelf na puno ng mga libro. Law books, perhaps. Sa bandang kanan naman ng sala ay nandoon yung kitchen nya. Sa bandang kaliwa ng sala nya ay may pasilyo doon kung nasaan ang mga kwarto siguro.
"Huy, ang lakas ng hangin" puna ko nung buksan ko ang sliding door ng terrace nya.
Pumasok ako muli sa loob ng unit at sinara ang sliding door. Naupo ako sa sofa sa sala nya pero agad namang tumayo para kumuha ng libro na nasa shelf.
"Akala ko tungkol sa law yung mga libro mo dito, mga English novel pala" sabi ko habang tinitignan ang spine ng libro para basahin ang mga title mg libro.
"Well, hindi lang naman law books ang binabasa ko, I also love to read English novels" rinig kong sabi nya mula sa kusina.
Naglakad ako patungo doon. Ang dalawang kamay ko ay nasa likuran ko. Nung makapunta ako sa kusina, ay agad akong nangalumbaba sa island counter nya. Pinapanood ko lang syang kumuha ng mga ingredients sa ref at sa cabinet sa itaas.
"Ano balak mong lutuin?" Tanong ko sa kanya at napalingon naman sya sa akin.
"Secret" sabi nya at kinindatan pa ako.
"Eh, ano nga?!" Pangungulit ko pa sa kanya.
Umiling sya habang hawak ang kutsilyo, "Manood ka nalang ng movie. Sit back and relax. Tatawagin kita pag okay na niluluto ko."
Nag make face ako kaya natawa sya. Lumapit sya sa island counter at hinapit ang bewang ko bago ako hinalikan sa noo. Napakurap kurap naman ako habang nakatingin sa kanya.
"Now go to the living room, love" he said in low voice before smiling at me.
Agad na uminit ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kamya.
"Dalian mo ah, medyo gutom na ako" sabi ko at umalis na ng kitchen nya para pumunta sa living room nya.