Ngayon ko lang nalaman na magaling pala sa kusina itong si Harry. Sa aming dalawa, ako ang naturingang kasambahay ngunit ako pa itong natututo sa kaniya. Kakaiba kasi ang inihahanda niya. Steak and cheese quesadilla saka chicken empanada. Itinuro raw ito sa kaniya ng lola noong nabubuhay pa ito. Sa dami ng itinurong recipe, itong dalawa raw ang paborito niyang ihanda. Ako ang nag-volunteer na maghalo ng ingredients dahil gusto ko ring matuto. Sa paraang ito, naiibsan kahit papaano ang kaba ko. Hindi ako mapakali. Aminin ko man o hindi, naroon ang pangamba na baka sa liit ng mundo ay magtagpo na naman kami ni Sandra. Pero hindi naman siguro? Common name din naman ang Sandra sa Pilipinas. Baka nagkataon lang. Habang hinihintay namin ni Harry na maluto sa oven ang empanada, naging abala na

