Chapter 23

2286 Words

Halos maluwa ko ang nginunguyang pizza. Sa dinami-rami ba naman kasi ng maaaring amo niya, talagang si Trace pa na nakausap ko sa cellphone noong Lunes ng umaga. Si Trace na fling umano ni Sir Arch at mukhang kinamumuhian ni Beatrice! Takang taka si Chino nang abutan niya ako ng tubig. Kagyat akong nagpasalamat bago ito inumin. “Dahan-dahan lang kasi,” aniya na pigil na ang tawa. Isang malakas na ubo pa ang pinakawalan ko upang klaruhin ang aking lalamunan. Nilapag ko sa aming gitna ang baso bago magsalita. “T-teka. Ano ulit ang pangalan ng amo mo?” “Trace. Bakit?” “Anong mga alam mo tungkol sa kaniya?” Nag-isip-isip siya saka sumagot, “First year college na siya base sa pagkakatanda ko. Nursing yata ang kurso.” “Ilang taon na?” “Hindi nalalayo sa edad mo, siguro twenty.” “May...

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD