Acutus’ POV “Bakit mo sinasabi sa akin ang lahat ng ‘yan?” tanong ko kay Libitina. Alam ko kung gaano siya katutol sa mga nangyayari. Alam ko rin kung gaano siya naiinis kay Nitidus kaya hindi ko maunawaan kung bakit sinasabi niya ang lahat ng ito sa akin ngayon. “Magsisinungaling ako kung sasabihin kong nag-aalala ako sa kapakanan ni Nitidus,” sabi nito. Sigurado naman akong totoo iyon ngunit ano nga kaya ang kaniyang dahilan. “Ang tanging inaalala ko ay si Panginoong Herus. Mula nang siya ay isumpa upang maging isang ligaw na exspiravit ay nagkaroon din ng batas na hindi na siya kailanman makakaapak sa caelum gayundin sa infernum. Sa kasamaang palad, iyon ang kahilingang hiniling sa kaniyang ng babaeng pinakatatangi mo. Nais ni Nitidus na magtungo siya sa infernum sa hindi ko mal

