Chapter 53

1159 Words

Nanatili silang lahat sa bayang iyon upang malaman ang misteryong bumabalot sa lugar. Kahit na mahirap kina Acutus at Vis na pakisamahan ang isa't isa ay nanatili pa rin silang nag-uusap na animo'y walang samaan ng loob na nangyari sa pagitan nila. "Acutus, may naiisip ka na ba?" tanong ni Lux. Muling binuksan ni Acutus ang mapang ibinigay pa sa kaniya ni Amare at kahit na anong gawin niya ay naguguluhan siya sa pagkakalarawan ng bayang kasalukuyan nilang kinaroroonan. Isang maliwanag na sikat ng araw at mga naggagandahang mga bulaklak ang namumulaklak sa buong paligid na animo'y panahon ng tagsibol, kabaligtaran sa itsura nito sa kasalukuyan na nababalot ng yelo at makulimlim na kalangitan. "Hindi kaya ang totoong pangalan ng bayang ito ay--" Kaagad na tinakpan ni Acutus ang bibig ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD