Third Person's POV Mabilis na sumakay si Morvan sa kanyang kotse at agad na sinundan ang van kung saan si Ceres isinakay, walang mapaglagyan ang kaba na nararamdaman niya ngayon para sa dalaga. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito. Nagsisisi siya kung bakit niya pa iniwan ito sa labas ng mall, dapat isinama na lamang niya ito habang kinukuha ang sasakyan niya, pero dahil masama ang panahon at medyo umuulan ay doon na lamang niya pinaghintay ang dalaga. Mahigpit ang naging kapit niya sa manebela pero hindi siya pwedeng bumwelo sa pagsunod dito, kailangan niya munang tumawag ng mga pulis habang sinusundan niya ang mga ito dahil kapag nalaman nito na nakasunod siya ay baka saktan nito ang dalaga, kailangan niyang mag ingat. Tinawagan niya nga ang mga pulis a

