Ceres POV Napabuntong hininga ako at sinipat ko ulit ang sarili ko sa malaking salamin. Iniiwasan ko na nga siya pero napaka imposible naman talaga na hindi kami magkita dito sa mansyon niya, lalo na ngayon ay may lakad kaming dalawa. Dahil pupunta kami sa isang kilalang boutique para sa mga susuotin ko sa debut party ko. Kahit anong gawin ko ay di ko talaga pwede maiwasan ang ninong Mavroz ko. Kahit ayaw ko siyang makita pero isang utos niya lang ay tiklop na agad ako. Hindi ko makalimutan ang nakakapanginig na mga salitang binitawan niya kagabi sa akin, halos hindi na humupa ang kabog ng dibdib ko kagabi at halos hindi ko na malunok ang kinakain ko kagabi dahil pakiramdam ko nakapako palagi ang mga titig niya sa akin kahit kumakain ito. Hindi ko nadin nagawa pang mag sorry dahil nga

