Third Person's POV Nang makarating na sila ng apartment niya ay agad naman nilang dinala ang mga pinamili niya pati nadin ang mesa ay ang ninong niya na ang nagbuhat nito pagkatapos ay ang dalawang upuan na binili niya rin. Wala pa sana siyang planong papasukin ang ninong niya pero ni hindi na siya nakapag salita pa dahil mabilis itong gumalaw at kinuha ang mga gamit niyang pinamili. Hanggang sa natapos na nga ito at andito na silang dalawa sa loob. "S-salamat po, ninong.." Aniya habang nakaiwas ang tingin sa kanyang ninong. "Komportable ka ba dito?" Nilibot nito ang tingin sa loob ng apartment niya kaya napasunod din siya nito kung san ito nakatingin ngayon. "Oo naman..bakit?" Seryosong tanong niya dito. "Hindi ako komportable na nandito ka.." Sagot nito at nakatitig sa mga ma

