Falestine's P.O.V "Kumusta na ang anak ko?" "Okay lang po siya Tito, hinhintay ko na lang po yung results niya..." Napa dilat naman ako ng dahan-dahan sa aking mga mata ng marinig ko ang mga pamilyar na boses na nag eecho sa pandinig ko. Nang tuloyan ko ng naidilat ang mga mata ko, bumungad naman sa kin ang puting kisame at naramdaman ko ding may naka hawak sa kanang kamay ko. "R-Red..." Napatingin naman agad sila sa gawi ko ng marinig nila akong nag salita, nandito pala si Daddy at Red. "Are you okay now baby? Hindi ka na ba nahihilo?" Nag-aalalang tanong sa kin ni Red kaya nginitian ko siya ta's umiling. "Hindi na.." maikling sagot ko at umayos sa pag kahiga. Wait, nahihilo ako kanina? Bakit? Anong nangyari sa kin? "Ano ba ang nangyari sa kin Red?" Takang tanong ko sa kanila

