Falestine's P.O.V Napa sabunot na lang ako sa aking buhok at padabog na umupo sa couch namin. Sumunod rin si Red sa kin at umupo sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kapag nandito talaga sa tabi ko ang lalaking to ay puro kamalasan na lang ang dumadating. "Ayos ka lang ba Rose? Hindi ka pa ba pupunta ngayun sa Airport?" Tanong niya habang karga-karga pa rin niya si Ruby kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Do you think makaka-uwi ako ngayun sa Italy habang sira yung eroplano?" Sarcastic kong tanong sa kaniya at kaagad namang nanlaki ang kaniyang mga mata ng dahil sa sinabi ko kaya inirapan ko na lang siya. "P-pano, so hindi ka makakauwi ngayun?" Takang tanong niya pero hindi ko parin siya pinapansin, mas lalo lang kasi akong naasar sa twing nakikita ko ang pag mumukha niya, isabay m

