Red's P.O.V Idinilat ko naman agad ang mga mata ko at dahan-dahang napangiti, birthday ko pala ngayun. "Baby birthday ko nga—— Baby?" Asa'n si Istine? Ba't wala siya dito sa tabi ko? "Istine?" Tawag ko sa banyo pero wala rin siya dito, hay nako baka nasa kusina na naman yun kumakain. "Si Baby talaga" nakangiting pailing-iling kong saad, kahit kailan talaga ang lakas lumamon. Naligo muna ako at nag bihis ng damit para preskong-presko ako kapag naka harap ko na ang baby ko. Lumabas naman kaagad akonsa kwarto namin at bumaba na sa hagdan tiyaka dumeretso sa kusina. "Huli ka balbon!" Sigaw ko ng tuloyan na akong maka pasok sa kusina pero walang ka tao-tao. Asa'n naba ang babaeng yun? Birthday'ng-birthday ko pa naman tapos wala siya? Hayst "Istine!" Sigaw ko pa pero wala man lang tumug

