Jhonalyn's Point of View "DAMON, its me, Thea! Hindi mo na ba ako natatandaan?" Natutuwa pang sambit ng babaeng kulang na lang ay tanggalan ko ng balat sa tingin ko! Kinagat pa niya ang labi nang nakakaakit at sinubukang abutin ang braso ni Damon, pero umiwas ito. 'Buti umiwas ka,' ngitngit ko sa isip ko. Kumuyom ang kamao ko nang tangkain muli ng haliparot na lapitan si Damon, pero tumigil siya. At kitang-kita ko ang dahilan. "Damon..." tila hindi mapigilan ang kalandian ng babae. Ramdam ko ang takot niya, pero nagawa pa rin niyang magpakita ng malakas na pagnanasa sa mga mata niya. Sinubukan niyang muli abutin ang braso ni Damon pero umiwas agad ito. "Come closer, and you'll regret it,” matalim na sabi ni Damon na nagpatigil sa babae sa ginagawa. His jaw clenched as his eyes darke

