Jhonalyn's Point of View MAHINA siyang napamura dahil sa pag-iwas ko. "No kissing and hugging. Not until you take a shower and remove all the viruses from that b***h!" sabi ko, tsaka mabilis na lumayo sa kanya. "Was taking a bath with alcohol on my body not enough?" tanong niya na parang bata. Umiling ako. "You'll have me after you take a bath, Honeybabe. Kaya pumasok ka na sa banyo, and I'll cook dinner," ani ko saka siya tinalikuran. "Tsk." Narinig ko pa siyang bumulong habang naglalakad ako palayo. Napailing ako. Masaya sigurong magpatugtog ng "Bida ang Saya sa Jollibee!" na kanta bilang pambungad kay Damon pagkatapos niyang maligo. Tapos sasabayan ko iyon ng gapang dance steps ko. Ang seryoso kasi niya! Hindi ko ma-imagine kung gaano kalala ang pagbugbog niya sa lalaking huma

