Kendrid Cole Villaluz-Pendleton "Z-Ziro" saad ko sa pangalan niya na gulat na gulat unang una ay paano siya nagawi dito at higit sa lahat ay tila naninibago ako habang nakatingin ako sa kanya. Parang ibang Ziro ang taong ito na bumubuhat saakin dahil bago ang gupit niya at bago rin ang klase nang pananamit niya hindi ko alam kong bakit tila may nabuhay na damdamin sa loob loob ko na tila saglit kong nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko kay Dylan pero hindi pa man ako nagtatagal sa pagkakabuhat ni Ziro nang bigla akong mahimasmasan at kaagad na binawi ang tingin sa kanya. "Ibaba mo ako" mahinang saad ko na puno nang pagkaseryoso pero tila hindi niya iyon narinig dahil nagsimula na siyang maglakad papunta sana sa paroroonan ko wala lamang siyang naging imik at patuloy na nagl

