Kendrid Cole Villaluz-Pendleton "Lumayo ka! Wag mong sasaktan ang anak ko wwaagg!" pagwawala ko at mas lalo akong nagpumiglas at nagwala nang nakita kong nilalapit na niya ang syringe sa tiyan ko at nang akmang ituturok na niya ang syringe ay biglang bumukas ang pintuan. Parehas kaming napatingin sa pintuan at kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa kakaluha ay nakilala ko parin ang taong nasa may pintuan. "Dylan" medyo paos at pabulong kong saad. "Itigil mo na ang ginagawa mo Cassandra!" saad ni Dylan sa kanya. "At bakit naman? diba nga gusto mong mapasayo ang baklang to tinutulungan na nga kitang maidispatsya ang hadlang sainyo at isa itong batang nasa sinapupunan niya" saad naman ni Cassandra na parang nababaliw na. Pero umiling iling lamang si Dylan sa ka

