“Tatay, pupuntahan niyo na po ba ang Mama ko?” tanong ni Connor na ilang linggo ng nangungulila sa kanyang Mama. Tumango ako at saka ginulo ang kanyang buhok. “Oo, pupuntahan ko siya para iuwi na dito sa atin kaya hintayin mo lang kami. Magpapakabait ka muna sa mga mag-aalaga sayo habang wala pa kami.” Sagot ko sa inosenteng paslit na dapat naman talaga sa kanyang edad ay hindi pa nawawalay sa tabi ng kanyang nanay. “Opo, tatay. Magpapakabait po ako at maghihintay. Basta pangako niyo lang po na kasama niyo na po si Mama pag-uwi,” aniya sa akin. “Pangako, Connor. Susunduin ko ang Mama mo at kasama ko na siya pagbalik ko.” Ang pangakong binitawan ko sa anak ni Carmencita bago ako nagpasyang iwan na muna siya sa mga mapagkakatiwalaang katiwala ng hacienda at saka nga ako lumuwas pa lungso

