“Umamin na kayong dalawa, nasaan ang mga alahas na galing sa mansiyon?” ang galit na galit na tanong ni Mama sa dalawa kong kapatid na babae. Naisipan kong magtuloy dito sa bahay namin kaysa mag-isa lang sa condo. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko at ayokong mapag-isa. Mula kanina ng lumabas ako sa kumpanya na may narinig akong tumawag sa akin kasabay ng may bumato na tumama pa sa batok ko ay hindi na talaga ako mapakali. Nangingilabot ako na hindi ko maintindihan dahil walang ibang tao sa paligid kanina at ako lang mag-isa. Pero may bumato talaga sa akin dahil nagkalat ang maliliit na bato sa kinatatayuan ko. At saka, hindi talaga ako maaaring magkamali. Narinig ko talaga na may tumawag sa pangalan ko. At ganun na ganun talaga ako tawagin ni Carmencita. Pero imposible. Kitang-ki

