“My gosh! Ang yaman mo na friend! Sikat na sikat ka na!” Napangiti lang ako sabay ng mabining paghampas-hampas ng ulo sa maingay na tunog ng tugtog sa loob ng bar kung nasaan ako. “Anong sabi ko sa inyo? Yayaman ako kahit hindi ako mag-aral!” pasigaw kong sagot dahil hindi nila ako maririnig kapag bumulong lang ako. Ganito ang gusto kong buhay. Ayoko ng mag-aral pa ng kung anu-anong sakit sa ulo na mga lesson. Bakit kailangan kong mag-aral kung marami naman kaming pera? Bakit kailangan ko pang magpakapagod pa at magsayang ng pera kakabayad sa mga university kung kaya rin naman naming bilhin ang lahat. “Lahat ng drinks natin ngayon ay sagot ko kaya magwalwal tayong lahat!” sigaw ko sa lahat ng mga kaibigan ko habang nakabilog kami sa gitna ng dance floor. Ganito kami kapag magkakas

