Chapter V - The Long Seven Years

947 Words
Chapter Five Seven years has passed… “Hello best? Yes im at shop at this moment, Okay will wait for you.” Pagkababa niya sa kanyang Sony Xperia Z5 ay patakbong papunta sa kanya ang isang sabik na batang babae. “Mommy! Is that Tita Daisy?” Inosenteng tanong ng kanyang pitong gulang na anak. “Yes baby she will visit us daw,” “Yey mommy, im so excited to see Tita Daisy, I missed her so much!” “I miss her too baby, come here I wanna hug you tight.” Yaya niya sa anak. It’s been seven long years ay tila naghihintay pa rin si Mitch na magkikita ulit sila ni Anton. Ang lalaking minahal niya at ama ng kanyang unica hija. Nakuha ng anak niya ang kulay at hugis ng mukha ni Anton, ang ilong, mata, bibig naman nito ay namana nya sa kanya. Kapag minamasdan niya ang kanyang anak ay di niya maiwasan maisip ang nakaraang pitong taon.         Nakaraan… “Ma’am pasok na daw po kayo sabi ni doktora.” Agad naman siyang tumayo at pumasok sa opisinang tinuro ng secretary. “Good Morning Mrs. Suarez, upo ka iha” paanyaya ni Dra. Hazel Lopez. “Salamat ho, Doktora”. Umupo si Mitch sa receiving chair ng Doktora, kinakabahan siyang pinakinggan ang balita doktora. “Congratulations anak! Positibo ang resulta ng test mo, according dito sa ultrasound mo, You’re 7 weeks pregnant!” excited na pagbabalita nito. Naramdaman niya ang panlalamig ng katawan. Kinutuban na siya na magiging ganito ang eksena nila. Naka tatlo na kasi siyang pregnancy tests kahapon at lahat ng ito ay may dalawang pulang linya. May ideya na si Mitchelle sa kanyang nararamdaman. Kung nandito lang si Anton ay tiyak na matutuwa siya at magkakaanak na sila, at alam niyang magiging mabuting ama at asawa ito sa kanila,. Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon. Ngayon dala dala niya na ang bunga ng kanilang minsang pagtatalik ay napagtanto na ni Mitch na mahal na niya si Anton, Nakikita niya ang kinabukasan kasama ang lalaki, at handa siyang suyuin ito at humingi na rin ng kapatawaran sa pagsisinungaling nito sa kanya, sinabi nya kasi na mahal nya si James kaya nakikipaghiwalay na sya dito, Ang totoo ay ginamit niya lang ang pangalan ng lalaki para si Anton na mismo ang lumayo sa kanya. At mukhang epektibo naman dahil yun na ang huling beses na nakausap niya ang binata. Kahit is eskewelahan ay hindi na ulit nag krus ang landas nila. Parang Dejavu, Heto siya ulit at nakatayo sa harap ng apartment ni Anton, ngunit kaibahan noon, may nakapaskil na na “Apartment for Rent” sa gate nito ngayon. Pumunta rin siya sa Admission Office ng eskwelahan nila at nabalitaan niyang nag drop out na rin ito sa school 2 months ago. Ang cellphone number naman nito ay not available na. He left without a trace. Kahit isa man lang sa mga kamag anak ni Anton ay wala siyang nakilala, Alam nya kasi na independent si Anton, kaya tuloy wala siyang mapagtanungan kung nasaan ang lalaki. “I Hurt him so much,” Sising sisi siya ngayon sa paghihiwalay nila, Now she realized, There’s no such thing as ideal man or ideal woman, Ang mahalaga ay kung ano ang nararamdaman ng isang tao katulad ng sabi ng best friend niya noon. Tama nga ang mommy niya, Nasa huli ang pagsisi. Kahit na malaki na ang tiyan ay hindi tinigil ni Mitch ang pag aaral nya, Malaki din ang pasasalamat niya at sinuportahan siya ng kanyang mga magulang, Tinanggap siya ng mga ito at kailanman hindi siya ikinahiya kahit alam nyang disgrasyada siya. She was Third year college nang isilang niya ang anak nila ni Anton.  She name her Jona Antonia Suarez, Feminine version ng name ng ama nito. Habang nag aaral siya ay hands on sa anak niya ang mommy niya, she was a certified proud lola. She graduated as c*m Laude sa kurso nyang Hotel and Restaurant Management, 1 year din siyang nagtrabaho sa Marriot Hotel Manila as Front Officer Head, but it seems she’s not enjoying that career. She decided to fly on Paris to take two years fashion designing course. Simula kasi ng magka anak siya ng babae ay nag enjoy siyang magdesign ng mga damit nito. Iniwan niya muna pansamantala ang anak niya sa lolo at lola nito. Every summer break vacation ay umuuwi naman siya para alagaan ang napakaganda niyang anak. Pagkauwi niya sa Pilipinas ay nagpatayo siya ng sarili niyang mother and daughter designer dress shop, She name it “Antonia” galing sa pangalan ng anak, from one shop sa alabang ay lumago ito at ngayon ay may four branches na siya. Ang kanyang ama naman ay isa nang senator ngayon, at nasa ikalawang termino na nito. She was now 26 years old and a single mom. And now it’s been seven long years, and still she’s waiting for Anton. Madami nanliligaw sa kanya kahit may anak na siya at marami na rin ang gustong tumayo na ama ng anak niya, pero hindi na siya nakipagnobyo pa. Si Anton ang first and last boyfriend niya. Mahabang taon na ang nagdaan pero pakiramdam ni Mitch ay parang kailan lang noong kasama niya pa si Anton. Now she wondered kung nasaan na ba ang hinihintay niya , kung may nobya na ba siya o kung may pamilya na ba ito?. Kahit naiisip palang niya ang mga ideyang iyon ay hindi maiwasan niya ang masaktan. If she can just rewind everything. Matagal na niya itong ginawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD