KABANATA 9

2089 Words
"How do you eat this?"  Kumunot ang noo ko bago lumingon kay Heize na bakas sa mukha ang pagtataka habang nakatitig sa isaw. Sinusuri niya pa ito magmula sa dulo ng stick hanggang sa parte na may laman. Umiling ako saka muli siyang tinalikuran para muling kumuha ng lima pang kwek-kwek. Masyado na akong maraming nakain pero dahil libre niya naman ay sinulit ko na.  "Anong parte ng manok 'to, Kuya?" rinig kong tanong niya kay Manong na busy sa pag-iihaw ng barbecue. "Ganito ba talaga siya?" "Ang dami mo namang tanong! Hindi ka pa ba nakakakain niyan? Akala ko ba ay alam mo?" sabi ko. Ngumisi naman si Manong na nakikinig lang sa amin. Nagkibit balikat siya. "Iyang kwek-kwek at fishball lang ang alam ko. Pero 'di ko alam na may ganito pala. Masarap ba?" "Tsk. Tikman mo na lang! Nauubos ko na ang paninda ni Manong pero hindi ka pa rin natitigil sa katititig diyan." Tumawa ako saka muling tumusok ng kikiam. "Siya nga pala, may pupuntahan ka ba bukas? Wala ba kayong practice?" Binitawan niya ang isaw at inilagay iyon sa plastic cup na hawak ko. Kumuha naman siya ng calamares saka isinawsaw iyon sa maanghang na suka. Tss. Kung kumilos ay kala mo nama'y tambay rito palagi, pihikan naman. "May last rehearsal daw bukas sa school. After no'n, pupunta ako kina Gina para ma-finalize na ang lahat."  Kagabi ay tumawag sa akin si Gina para ipaalala ang lahat sa akin. Pero dahil nga gusto niyang perpekto talaga ang lahat, inaya niya akong magpunta ulit sa studio para sa mini orientation kasama sina Kim. O baka naman ay gusto lang nilang masilip si Heize. Tsk. Alam ko na ang mga galawang ganyan. Sa susunod na araw na rin gaganapin ang pageant. Syempre ay iyon ang paunang event na gaganapin bago magsimula ang laban ng sports team sa school. Ang balita ko pa nga'y pwede ang outsider sa linggong iyon. Minsan pa nga ay naririnig ko pa ang mga taga-ibang school na nagpapalitan ng excitement para sa event.  "Samahan na ulit kita. Pahinga raw namin bukas eh," sabi niya, dahilan para magtaas ako ng kilay. "Rest day niyo naman pala eh, hindi ba dapat ay nagpapahinga ka no'n?" Ngumisi siya. "Eh gusto kitang panoorin eh. Bawal ba 'yon? Nakakainip naman kasing tumulala na lang sa kawalan, mas okay pang panoorin ka." Bahagya akong nasamid dahil doon. Tumalikod pa ako para lang itago ang pag-iinit ng pisngi ko.  Ano ba, Hale?! Kumalma ka! "Huy! Ayos ka lang?" Mas lumapit pa siya dahilan para tuluyan akong maubo. "Eto tubig oh! Magdahan-dahan ka kasi!" Mabilis kong hinablot ang tubig na iniabot niya saka paunti-unting nilagok iyon. Nakakahiya! Nararamdaman ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko! Malamang ay kasingpula na ako ng hotdog ngayon! "Ayan, okay na ba?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin kaya't nagkatitigan kami. As in nakatitig ako ngayon nang HD sa mukha niya! Lord, tabang! Makapal ang kilay niya, maganda ang kurba. Malalim ang mga mata, kumikislap at tila naninisid. 'Yung pilikmata niya, nakakainggit sa haba. Pati ang ilong niyang perpekto ang pagkakahulma, sobrang tangos. At 'yung.. 'yung labi niyang namumula. Parang ibinabad sa lip balm dahil sa pagkaganda nito, hindi katulad sa akin na araw-araw namamalat. "Stop staring at my lips, Hale Celestina." Sa isang iglap ay bigla akong bumalik sa wisyo. What the f*ck did just happened? Did I just stare at his lips? At sa mismong mukha niya pa ko ginawa! Ang b*bo, Hale! "Huh? I am not staring kaya! Guni-guni mo lang 'yan, asa ka!" depensa ko. Sa loob-loob ko pa'y nagwawala na ang puso ko sa hiya. Gusto kong maglaho na lang bigla! "Talaga ba?" Nagtaas siya ng kilay. At dahil duwag ako, nagpanggap akong busy sa kinakain. Hindi ko kayang labanan ang nanunukso niyang tingin. "Okay, sabi mo eh." Nakahinga ako nang maluwag nang muli siyang bumalik sa pagkain na parang wala lang iyong nangyari kanina. Thank you, Lord! Kinabukasan ay tinambakan kami ng mga gawain sa school. Intrams na raw kasi at hindi pupwedeng puro saya lang ang mararamdaman namin. Tunay nga talagang hindi mabubuo ang buhay estudyante mo kung hindi ka magkakaroon ng prof na sisira sa pangarap mo. Grabe yung motivation, nakaka-motivate ibagsak sa evaluation. Nang makalabas ang prof sa classroom ay agad na nag-tantrums si Avi. Pati ang iba naming mga kaklase ay panay rin ang reklamo. Ang ibinigay kasi na deadline ay ang mismong araw ng balik namin sa pag-aaral. Groupings pa iyon kaya naman lahat kami ay ramdam ang pagkayamot.  "T*nginang prof 'yan, lason amp*ta," pagmumura ni Avi na masama pa ang tingin sa pintuan kung saan lumabas ang matandang propesor. "'Kala niya ba ay nakalimutan ko na 'yung sinabi niya sa inyo? Nanggaganti ata 'yan si Colliner eh." Mahina akong tumawa. Magmula kasi noong mangyari iyon ay palagi na niya akong pinag-iinitan. Nang mapansin iyon nina Avi at ng mga kaklase namin ay syempre, binago niya ang tactics niya. Imbes na sa akin lang magalit ay dinamay niya na rin ang buong section namin. Kaya naman ngayon ay sabay-sabay kaming naghihirap sa subject niya. "Santiago, may grupo na ba kayo?" Lumapit sa amin si Jane, ang pinakamatalino sa klase. Sa likod niya ay naroon din ang mga kaklase naming bookworm at tahimik. "Kulang pa kasi kami ng dalawa. Baka pwede pa kayo." Lumingon sa akin si Avi at binigyan ako ng makahulugang tingin. Alam ko ang ibig sabihin no'n. Kaya naman bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Sure! Sali na kami ni Avi sa group niyo." Ngumiti ako, nagsipagliwanag din ang mukha ng ibang mga kagrupo namin.  "Talaga? Salamat ah! Add ka na lang namin sa group chat namin," sabi ni Jane bago umalis kasama ang mga kaibigan niya. Nang lumayo na sila sa amin ay saka pinakawalan ni Avi ang buntong-hininga niya. Umiling-iling pa siya. "Bakit ka pumayag? Hindi naman natin ka-close 'yun sila. 'Tsaka mga nerd 'yun eh!" Inilabas ko ang phone ko at nagtipa. In-add na nga kami sa group chat.  "Saan pa ba tayo dapat? Sa mga pabuhat? Huwag na lang, 'no! Atleast assured nang may mapapala tayo ngayon dahil matitino ang groupmates natin," katwiran ko. "'Tsaka ano bang mali sa nerd? Wala naman silang kasalanan sa 'yo ah." Narinig ko ang pag-angal ni Avi. "Syempre masyado silang seryoso sa buhay. Nakaka-intimidate kaya!" "Ayun naman pala, inamin mo rin." Tumawa ako at sinulyapan ang nakangusong kaibigan. "Mabait naman sila Jane. Sanay ka lang siguro sa atensyon kaya ayaw mo." "Whatever. Saan pala tayo ngayon? Cafeteria?" Mabilis na nagbago ang mood niya. Bigla ay nagsimula na siya sa pagliligpit ng gamit habang naka-display ang malawak na ngiti sa mukha. Malamang ay nagpauto na naman 'yan kay August. Iba talaga ang tama ng babaeng 'to. "Kahit saan. Libre mo ba ako?" Ang ending, imbes na sa cafeteria ay sa basketball court kami napunta. Pagdating namin doon ay maraming mga nagtitilian, may mga banner pa nga 'yung iba. Paniguradong isa sila sa mga maswerteng maagang pinakawalan ng prof. Sana all. "DELA VEGA! I LOVE YOU SO MUCH!"  Malakas ang pag-alingawngaw ng tilian sa bawat sulok ng court. Lahat sila ay may kanya-kanyang isinisigaw pero sadyang nangingibabaw ang tilian na para kay Heize.  "LET'S GO ENGINEERING DEPARTMENT!" "Ano 'yun? Parang may narinig akong nag-chi-cheer kay August ah. Sino 'yun at nang masampal ko nang malutong!" gigil na sabi ni Avi na nagmumukha ng giraffe sa kahahanap sa babaeng hindi ko naman narinig. "Imagination mo lang 'yan. Pati nga ata ang Dean ay alam na mag-jowa kayo. Iyan pa kayang ordinaryong estudyante." Tumawa ako, saka naghanap ng bakanteng upuan na malapit sa kanila. "HEIZE NANDITO NA 'YUNG GIRLFRIEND MO!"  Nanlaki agad ang mata ko at mabilis na napayuko. Hindi ako assumera pero pakiramdam ko ay ako ang tinutukoy no'n. "Hala sino?" "May girlfriend si Heize?" Maingay na bulungan ang narinig ko, kaya naman dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko. Nakahinga ako nang maluwag. Nakakahiya talagang maging assumera.  "Oh my god! Don't tell me nagbalikan na naman sila?!" "Shet! Si Chelsea na naman?!" Nagpantig ang tenga ko. Bakit nadawit na naman ang pangalan ng babaeng iyon? Sa lahat ng naging ex ni Heize ay siya talaga itong may pinakamaingay na pangalan. Nakakagulat lang na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil kay Heize. Kairita, kala mo naman ang ganda. "Payag ka no'n, Hale? Si Chelsea raw oh." Humalakhak si Avi, nanunukso. Naririnig ko pa nga ang pakikipag-chismisan niya sa katabi. Nagtatanong pa kung anong balita kay Chelsea. "What a warm welcome, hayy main character moments talaga as always."  Pakiramdam ko ay nagdugo ang tenga ko nang marinig ang sabi ng alagad niyang ginawang croptop ang uniform. Papalapit sila sa pwesto namin. At kung minamalas nga naman, dito pa siya tumabi sa akin. Araw-araw talaga akong sinusubok ni Lord. "Hayaan mo sila, Queenie. Mga inggit lang 'yan sa 'kin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakalimutan ng Baby Heize ko." Matinis ang boses niya, nakakaasar. "Guard may baliw po rito," tatawa-tawang bulong ni Avi.  Hindi ko magawang matawa man lang. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Nakakainis ang presensya niya! "Go Heize baby!" Saktong pagkasigaw niya no'n ay pumasok ang bolang itinira ni Heize. Bagay na mas nagpakulo ng dugo ko.  "Hala Chels pumasok! Inspired talaga siya sa 'yo!" Inspired mo mukha mo! "Maliit na bagay, Inie." Maarte ang pagkakasabi niya. "Oh, it's you pala! Hindi kita namukhaan!" Agad akong napalingon sa kaniya. Nakangiti na siya ngayon sa mismong harap ko. At dahil inis na inis na ako, binigyan ko siya ng isang plastikadang ngiti. "Yeah, it's me," plastik kong sabi. Hindi naman kami close. "Close pala kayo, Chels? What's her name nga ulit? Nakalimutan ko eh! Hindi kasi masyadong kilala," maarteng sabi ng kasama niya. Nakataas pa ang kilay nito sa akin na kala mo naman ay obligado akong magpakilala sa kanya. "Ah, si Hale Santiago 'yan! Nabasa ko lang noon sa isang blog but.. uhm.. of course I don't know her personally naman."  Umirap ako at dineadma ang lahat ng sinasabi nilang kaartehan. Pati nga si Avi na nasa tabi ko ay nagpapalagutok na ng buto sa kamay sa sobrang inis. Sana talaga ay hindi ko na siya pinagtanggol pa kay Heize noon. Nakakainis pati ang bunbunan niya. "Sumusulyap si Heize sa 'yo, girl! Grabe, you won his heart talaga!"  May mas assuming pa pala sa akin? "Heize! 'Pag na-i-shoot mo 'yang bola, ma-so-solo mo nang isang buong araw si Hale!" Si Avi. Imbes na magalit ako ay umasa pa akong maipasok niya ang bola para lang mapahiya itong dalawang maaarte sa tabi ko.  Sablay. "Pfftt.. That was so funny!" parinig ni Chelsea. "Alam mo ba girl nakakamatay raw ang pagiging assuming sabi ni Mommy." Ay gano'n ba? Eh bakit hindi ka pa namamatay? Malakas na pumito ang kanilang coach saka sumenyas na mag-break na muna. Lumakas tuloy ang tilian ng mga nanonood dahil papalapit sa bench ang mga pawisang player. Pati ang dalawa rito sa tabi ko ay halos mangisay na sa kilig sa pag-aakalang sa kanila lalapit si Heize. Who you kayo sa akin ngayon.  "Wala na kayong klase, Hale?" Bingo! Agad na nanahimik ang dalawang babaeng nuknukan ng arte, pati nga ang ibang fangirls ay natigil din sa pagtili nang makita ang paglapit sa akin ni Heize. Narinig ko pa ang pagtawa ni Avi sabay bulong ng "Yari ka, hindi mo sh-in-oot ah." "Vacant namin. Bakit? Curious ka ba?" Tumaas ang kilay ko. "Oo naman. May problema ba?" Tumigil siya sa pagpupunas ng pawis. "Bakit parang bad mood ka ata?" Umirap ako, madiin ang pagtataray sa kanya. Hindi ko alam, pati siya ay nadadamay sa inis ko kay Chelsea. Deserve niya rin naman dahil siya naman ang puno't-dulo ng lahat. Kung hindi siya playboy at kung hindi siya pumapatol sa kung kani-kanino, e 'di sana ay hindi ako yamot na yamot ngayon hindi ba? "Wala, tawag na kayo do'n oh."  Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Avi. "Away away agad wala pa ngang label." "Ano nga 'yon? Galit ka ba sa akin? Ano bang nagawa kong mali?" Bigla ay lumambot ang boses niya. Bakit ako nakakaramdam ng kiliti sa tiyan ko?  "Wala nga, maglaro ka na ulit doon." Pati ako ay nagulat sa sarili ko. Paanong nawala ang inis sa boses ko? Paanong napapalitan ng kung among emosyon ang galit ko? Litong-lito na ako! "Okay, bilangin mo ang puntos ko ha. Pag umabot ng 30, ililibre mo ako mamaya." Ngumisi siya, saka kinurot ang kanang pisngi ko at muling bumulong. "Para sa 'yo 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD