TRIGGER WARNING: harassment
Lumipas pa ang mga buwan na parehong scenario pa rin ang nangyayari. Panay ang buntot sa akin ni Heize at inirarason pa si Augustine na laging kasama ni Avi. Hindi na rin ako nag-assume pa dahil baka isipin niyang interesado ako sa kanya. When in fact, sawang-sawa na ako sa presensya niya.
"Have you read Sherlock Holmes?" bigla ay tanong niya sa akin.
Kasalukuyan kong binabasa ang isang mystery novel na gusto niya rin daw. Hindi ko alam kung nananadya ba siya, pero napapadalas na kasi ang pangunguna niya sa akin sa mga binabasa ko.
May cycle na nga eh. Hindi ko rin naman alam kung binabasa niya ba talaga ‘yun o talagang nang-aasar lang siya.
"Bago 'yan ah? Tapos mo na ‘yung kahapon?" Napabuntong hininga ako nang umupo siya sa kabilang silya.
"What do you want? I already gave you the book yesterday, ah."
"Oo pero patapos ko na ‘yun. So pwede ako next dyan?"
Isinara ko ang libro at hinarap siya. Months have passed but the changes from his physical appearance were still noticeable. I don't know kung babad ba ito sa gym dahil mas naging matipuno pa siya. Nagbago rin ang hairstyle niya at medyo bumagay iyon sa kanya. Ang ugali niya lang siguro at ang ngising judgmental ang hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon.
"Why don't you find books on your own? Sinisira mo ang imagination ko eh." Inis kong muling binalingan ang pahinang hindi ko na naman maintindihan.
"Why? Mukhang interesting kasi ang lahat ng hinahawakan mo."
Umirap ako.
"Bakit hindi mo na lang pagtuunan ng pansin ‘yung novel na ni-recommend ko sa 'yo noon?" sabi ko.
"Hmm.. may schedule eh." Humalakhak siya. "Sa bahay ay iyon ang binabasa ko. Sa school ay itong mga libro mo."
"Sus, siguro f-in-i-fake mo lang ang pagbabasa ng mga ‘yun para asarin ako." Humalakhak ako at pineke ang paglipat ng pahina.
"Eh? Why would I?"
"I don't know. Baka gusto mo lang akong galitin." Nagkibit balikat ako.
"You should ask Aziel and Maximus kung anong ginagawa ko sa buong klase." Humalakhak siya at tinapik pa ang balikat ko bago lumabas ng library.
Marami rin sa school ang nakapansin sa madalas na paglapit sa akin ni Heize. Nagka-issue pa nga na ako na raw ang girlfriend niya. Magmula kasi noong lumapit-lapit na siya sa akin dito sa library ay hindi na rin daw siya nagka-girlfriend. Siguro ay nagsawa siya sa 'love' na sinasabi niya. Mabuti na rin ‘yun para mabawas-bawasan naman ang pagiging hopeless romantic niya.
"Hale, look." Napalingon ako kay Avi na busy sa pagcecellphone. Ipinakita niya sa akin ang isang blog post ng isang anonymous student na nagsheshare daw ng 'tea' gamit ang blog niya.
'HEIZE ANDRIUS DELA VEGA caught dating with CHELSEA YAEL at the mall.'
Umiling ako. Hindi pa rin pala siya nag-re-retire sa pagiging hopeless romantic niya.
"Hmm.. something's fishy. Maybe he's too in love with her kaya binalikan niya?" basa ni Avi sa ibang comments.
Nagkibit balikat ako. "Maybe we should stop sniffing their lives like a dog. Buhay nila 'yan so it shouldn't be an issue."
Napatango-tango pa si Avi sa gilid ko pero patuloy pa rin siya sa pagbabasa ng mga malicious comments. Pero syempre, dahil mahal na mahal ng mga babae si Heize, ‘yung girlfriend lang niya ang napaulanan ng hate comments.
"Babe!" Automatic na umangat ang balikat ni Avi at hinanap ang direksyon ng boses ng boyfriend.
Kahit hindi man ako lumingon ay ramdam ko ang presensya ni Heize. I can even feel that he's back again sa ngisi niyang nanghuhusga.
"Did you finish the novel you're reading yesterday?" bungad niya at sumabay sa lakad ko.
"Not yet. Bukas mo na kunin sa akin," sagot ko.
Sa tuwing nagtatagpo ang landas namin ay gano'n ang pangbungad niyang tanong. Kulang na lang ay hagisan ko siya ng mga makakapal na novels para lang tumigil na siya sa kakadistorbo sa akin.
"Sure. Maganda ba ‘yung story?" tanong niya.
"Eh di na-spoil ka kung sasabihin ko?"
"Huwag na nga!" Tumawa siya. "Tumatawa ka kasi kahapon habang binabasa mo ‘yun. Kaya tinanong ko kung maganda ba."
"See for yourself." Ngumisi ako.
Ang totoo ay tinatawanan ko iyon dahil sa lalim ng mga salita. Kung ang Romeo and Juliet nga ni William Shakespeare ay nakakadugo ng ilong, ‘yun pa kaya!
"Anong next subject niyo?" tanong niya.
"Walang prof, tatambay ako sa library."
At dahil kasama ko si Avi, sumunod din sa amin ang boyfriend niya kasama sina Heize, Maximus, at Aziel. Hindi ko alam kung magkakarugtong ba ang mga paa ng mga 'to dahil ang hirap nilang paghiwalayin. Sa tuwing nakakasama ko kasi sila sa library ay pare-parehong bagay lang naman ang ginagawa nila. Sina Avi at Augustine ay as usual, naghaharutan sa gilid. Si Maximus naman ay palaging kaharap ang cellphone at si Aziel ay madalas na natutulog. Hindi ko lang alam kung anong trip netong si Heize para gulo-guluhin ako sa pagbabasa. Pwede naman siyang sumama sa mga kaibigan niyang puro kalokohan. Hindi niya kailangang gawing hobby ang pang-aagaw ng libro sa akin.
"Babasahin mo ba ulit yung kahapon? O hahanap ka ng bago?" tanong niya at binuksan pa ang glass door papasok ng library.
"Hmm... hahanap na lang ako ng bago. Naiwan ko sa bahay ‘yung kahapon." pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang talagang ituloy pa ang novel na ‘yun dahil nagdudugo ang ilong ko sa lalim ng mga salita.
"Thriller ulit?" Tumango ako. "Hindi kaya ubos na ang mystery or thriller books dito dahil sa ‘yo?"
"Why? Do you want me to read romance novels dahil wala na akong choice?" Nilapag ko ang gamit saka naglakad papunta sa book shelves.
"Why not? Bitter ka pa rin ba?" Humalakhak siya at sumandal sa isang shelf.
"Excuse me? Hindi ako bitter. Hindi lang ako 'hopeless romantic' tulad mo."
"What? Hopeless romantic? Is that what you think of me?"
Bumaling ako sa kanya at humalukipkip. Nakangisi na naman siya at nakataas pa ang isang kilay.
"Yeah, akala ko nga ay hindi ka na gano'n." Mahina akong humalakhak at lumipat sa ibang shelf. "I guess nakahanap ka na ng 'experience' mo na beyond your 'expectations',” pang-aasar ko pa, pilit dinidiinan ang mga salitang pinaniniwalaan niya.
I refrained from laughing dahil ayaw ko namang isipin niyang hinuhusgahan ko siya sa pakikipagbalikan niya sa ex niya. It's his life, sadyang nakakapanibago lang.
"Are you referring to Chelsea?" Sa pagbanggit niya sa pangalang iyon ay bahagya akong natawa. So he's in love huh? Sa pagkakaalam ko ay kinakalimutan niya ang mga pangalan ng exes niya.
Nagkibit balikat lang ako at kinuha ang isang mystery novel na mukhang bago pa. Nginisian ko lang siya at iniwan pabalik sa table ko.
"Why are you still here? Pagdidiskitahan mo na naman ba 'tong hawak ko?" sabi ko nang maramdaman ang pag-upo niya sa katabing silya.
"She's not my girlfriend."
Natigil ako sa pagbabasa nang dahil sa sinabi niya. So iniisip niya pa rin ba ‘yung pinang-asar ko sa kanya kanina?
Nagpatuloy ako paglilipat ng pahina. "So? Should I commend you for that?"
"No, gusto ko lang i-clarify."
I scoffed. "Bakit sa akin mo sinasabi? 'Di naman ako isa sa mga nakikichismis sa buhay niyo."
"Useless na ang magpaliwanag sa kanila because they just point on gossips instead of facts." He sighed. "Sila ang may desisyon kung kanino sila maniniwala."
"Sabagay.." Peke kong nilipat ang pangatlong pahina. "But you know, you should try. Kahit hindi na para malinis ang pangalan mo. Kahit para ro'n na lang sa girl, nabasa mo ba ‘yung mga hate comments sa kanya?"
Rinig ko ang mahinang halakhak niya. "Bagay lang ‘yun sa kanya."
Nag-angat ako ng tingin at takang tumingin sa kanya. Is he showing me his evil side?
"Hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan."
"She did that to herself." Marahan niyang pinatunog ang lamesa gamit ang mga daliri niya. "Siya mismo ang anonymous blogger na nagpost no'n."
Napaawang ang bibig ko. What? Ang creepy naman!
"Hindi ka ba nagtaka roon sa post? Caught dating at a mall? Seriously?" Tumawa siya na parang hindi makapaniwala.
"Hindi na ako nagtaka pa. Inisip kong 'madly inlove' ka sa kanya dahil binalikan mo kahit na mag-ex na kayo." Mahina akong humalakhak. Ang stressful ng lovelife niya. Gano'n ba 'pag playboy?
"No way." Hindi na ako sumagot kaya natuon na ang pansin niya sa librong binabasa ko. "What's that?"
"Murder."
Biglang sumulpot sa harap namin si Avi na abot tenga ang ngiti. Nasa likod niya si Augustine na nakangisi rin sa amin.
"Aalis lang kami ni August, dyan ka lang ha?" Tumango lang ako at 'di na nag-abalang magsalita pa. Gano'n naman ang laging paalam niya. Though mas okay nga ‘yun para mabawasan ang masasakit sa mata rito.
Lumapit din sina Aziel at Maximus na nag-uunat pa. "Heize, naghamon daw ang 4th year."
"Kailangan pa ba 'ko ro'n? Kaya niyo na 'yan!" iritang sabi niya.
"Pag-uusapan pa lang naman. Sama ka na! Saglit lang 'to." Ngumisi si Aziel at nagtaas pa ng kilay sa akin.
"Fine." Padabog siyang tumayo mula sa silya. "Dito ka lang, Hale? Ayaw mong sumama?"
Bahagya akong natawa. "Of course not."
"Sige. Mabilis lang ‘yun, wait mo ko ha?"
Tumango lang ako kahit na gusto ko lang naman talaga siyang umalis. "Yeah, kahit wag ka nang bumalik."
Nang makaalis sila ay ibinalik ko sa chapter 1 ang binabasa. Useless talaga ang pagbabasa ko kapag nasa tabi ko si Heize dahil wala akong naiintindihan lalo na kapag nagdadaldal siya. Ni hindi man lang nga siya nauubusan ng masasabi sa akin. Kapag naman hindi ako sumasagot ay mas nangungulit pa siya.
"Hi, Hale." Nag-angat ako ng tingin nang may lumapit sa akin. Pamilyar ang mukha niya pero 'di ko matandaan ang pangalan niya.
"Hi," tipid kong sagot.
"Anong binabasa mo?" Naasiwa ako nang maupo siya sa silyang madalas inuupuan ni Heize. "Mag-isa ka lang ba? Nasa'n si Avianne?"
Nagkibit balikat lang ako. Hindi ako komportable sa presenya niya lalo't nandito pa siya sa tabi ko. Hindi naman gan'to ang nararamdaman ko tuwing tumatabi sa akin si Heize kaya mas lalo pa akong kinabahan. Hindi ko gusto ang aura ng lalaking 'to. Itsura pa lang niya ay mukhang walang ni isang nagawang tama.
"Sagot ka naman. Nahihiya ka ba sa akin?" Nagkunwari akong nagbabasa. "Huwag kang mahiya, Hale. Magkaklase naman tayo sa isang subject ah? Matagal na nga akong may gusto sa ‘yo."
Napapikit ako sa takot. Hindi ko gusto ang tono ng boses niya. Pakiramdam ko ay kahit sa gan'tong ginagawa niya ay nababastos ako.
"Hale.." Agad kong nilayo ang kamay ko nang marahan niyang hinaplos ito.
Nagpalingon-lingon ako sa buong library. May mga sarili ng mundo ang mga estudyante at wala ang librarian sa table nito.
Agad kong kinuha ang mga gamit ko at patakbong lumabas ng library. Hindi ko alam pero basta na lang akong dinala ng mga paa ko sa direksyon papuntang gym.
"Hale!"
Mas binilisan ko ang takbo ko kahit na nanginginig na ang tuhod ko sa takot. Bakas kasi sa boses niya na galit na siya at kahit anong oras ay kayang-kaya niya akong gawan ng masama.
Napatalon ako sa gulat nang hablutin niya ang kamay ko. Nahabol niya ako...
"Masyado kang maarte, Santiago! Ayaw mo ba akong kalaro?" Ngumisi siya nang nakakatakot sa akin. Hindi na ako nakapanlaban dahil nanghihina ako at doble ang lakas niya kaysa sa akin. "Mga 'tol! Labas na kayo dyan!"
Nagsilabasan ang apat na lalaking nagtatago sa kung saan. Lahat sila ay nakangisi nang nakakatakot sa akin. Nanlamig ang buong katawan ko.
Tulong...
Kahit na binabalot na ako ng takot ay iginala ko ang tingin sa paligid. Walang mga estudyante. Pero nasa likod kami ng gym. At mula rito ay rinig ko ang halakhakan ng mga varsity.
"HEIZE! TULUNGAN MO AKO!" Inubos ko ang buong lakas ko para isigaw iyon.
Narinig ko ang pagtigil ng halakhakan kaya nabuhayan ako ng loob. Pero ang limang lalaki sa harap ko ay nakangisi pa rin sa akin.
"Anong akala mo, Santiago? Maririnig ka nila?" humalakhak ang isang maliit na lalaki at lumapit sa akin.
"P*TANG*NA KA PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!"
Bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko iyon. Sa isang iglap ay tumilapon sa malayo ang lalaking iyon. Sinundan pa ito ni Heize at pinaulanan ng malalakas na suntok.
"Mga g*go kayo!" Napalingon ako sa pinanggalingan niyon.
Kumpleto ang varsity ng 4th year at 2nd year. Lahat sila ay sinugod ang mga lalaking muntik na akong pagsamantalahan at pinagsasapak ang mga ‘yun.
Napaupo ako sa sahig. Nanghina ang tuhod ko at pakiramdam ko'y mamumuti ang mata ko sa kaiiyak. Kung hindi sila nagpuntang lahat dito ay malamang.. patay na ako.
Umiiyak lang ako sa gilid habang pinagmamasdan silang lahat na bugbugin ‘yung limang lalaki. Ang iba ay wala nang malay pero 'di pa rin nila tinigilan sa pangbubugbog.
Si Heize.. kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Lahat sa mga lalaking iyon ay dinadaluhan niya para paulanan ng sapak. Namumuo ang pawis sa noo niya at bakas na bakas ang pagkagigil sa bawat galaw niya.
Heize... Maraming salamat.