TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 114 LET’S TALK DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. “OKAY KA lang ba, Dianne? Parang may narinig kami na nagsisigawan dito sa loob ng kwarto mo? May kasama ka ba na ibang tao dito?” tanong ni Dad at napatingin siya sa paligid ng kwarto ko ng makapasok siya sa loob. Magkasama silang dalawa ni Mommy ngayon at pati si Mommy ay na-curious kaya napatingin din siya sa paligid. Napalunok ako sa aking laway ng nakaramdam ako ng kaba sa tinanong ni Dad sa akin. Nakaalis na naman si Ambrose dito sa loob ng kwarto ko, pero hindi ako nakakasigurado kung nakababa na ba siya, o nasa balcony pa siya ngayon. “W-Wala po, Dad. May pinapanood lang po ako na palabas sa laptop ko na palabas. Action kasi kaya siguro parang may nagsisigawan kayong naririnig mula rito,”

