TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 126 COLLAPSE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. HINALIKAN KO si Ambrose at hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako pabalik. Nang matapos kaming maghalikan dalawa ay nagkatinginan kaming dalawa. Namumungay ang kanyang mga mata ngayon habang nakatingin sa akin at kumunot ang kanyang noo na para bang naguguluhan siya. “Why are you doing this to me?” mahina niyang tanong sa akin habang nakatingin pa rin siya sa aking mga mata. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at hinaplos ko ito at ngumiti ako sa kanya. “A-Ambrose, kahit na hindi mo ako natatandaan… alam ko na natatandaan ako ng puso mo…” sabi ko sa kanya at nilagay ko ang aking kamay sa may dibdib niya kung nasaan ang puso niya. Napatingin naman siya rito bago siya muling nag angat ng tingin

