TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 86 NO INTERRUPTION DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ANG GANDA ng beach house namin ni Ambrose. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na meron na kaming beach house ng asawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na tumira dito. Kung gusto ko lang mag unwind, pupunta na lang ako dito sa beach house namin ni Ambrose at dito muna mag stay. “Kailan mo lang ‘to nabili, Ambrose? Parang ang bilis kasi…” tanong ko sa kanya. Nasa labas kami ng bahay ngayon, nasa tabing dagat. May table dito sa aming harapan habang may mga pagkain dito. Hindi naman kami naiinitan ni Ambrose ngayon dahil may malaking payong dito na nag po-protekta sa amin sa init ng araw. “I won this property in a bidding, Dianne. Nakita ko kasi na maganda rin ang lugar, at naalala ko na gusto mo

