TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 65 NEW ROOM DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. SUMAMA NA ako kay Ken papunta sa bahay niya nang makuha ko ang aking mga gamit mula kay Manang Lucia. Kita ko sa mukha ni Manang Lucia ang lungkot ng magpaalam na ako sa kanya na aalis na ako. Syempre malulungkot din ako dahil si Manang Lucia rin ang kasama ko sa bahay. At sigurado ako na mag-isa lang siya doon dahil hindi naman laging nasa bahay si Ambrose eh. Lalo na ngayon na umalis ako… hindi ‘yun mag sa-stay sa bahay. “Ang laki pala ng bahay mo, Ken. Ikaw lang ba talaga ang nakatira dito?” tanong ko sa kanya ng makarating kami sa kanyang bahay. Isa itong modern two storey house at sa labas ay may pool pa siya at malaking garden area. Maganda ang bahay ni Ken at mukhang pinagplanuhan talaga ang

