TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE SPECIAL CHAPTER TWO AMBROSE MILES MILLER’S POINT OF VIEW. IKAKASAL NA ako kay Dianne ngayong araw. Maraming hindi makapaniwala na pumayag ako sa kagustuhan ng mga magulang ko—lalo na ang pinsan ko na si Joaquin na kasama ko sa pagpapatakbo sa Mafia group namin sa Spain. “Ambrose, are you out of your mind? Bakit ka magpapakasal kay Dianne? Girlfriend mo si Jenelou, right?” sabi ni Joaquin sa akin. Nandito siya ngayon sa hotel room ko kung saan ako inayusan. Hindi pa oras para pumunta ako doon sa chapel kung saan gaganapin ang kasal namin ni Dianne. Nag-angat ako ng tingin kay Joaquin at kitang-kita ko sa kanyang mukha na hindi siya makapaniwala sa naging desisyon ko. Bago pa ako makapagsalita ulit, muli siyang nagsalita kaya napakunot ang noo ko at na

