TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 108 HINDI MATIIS DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. ANG SAYA ko ngayon sa aking nalaman na balita. Excited na ako na malaman ni Ambrose ang totoo, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya naco-contact. Nakakapagtaka… hindi naman ganito si Ambrose, pero simula ng umalis ako ng Italy ay hindi na niya ako kinontak. Gusto ko sana siya ang unang makaalam sa pagbubuntis ko maliban sa amin ni Manang Lucia na kasama ko sa pag-alam ng aking pagbubuntis. Nang malaman ko na buntis ako, double na ang pag-iingat ko ngayon. Marami ring mga bilin sa akin si Manang kagaya ng huwag daw akong magpaka-stress, huwag akong magbuhat ng mga mabibigat na mga gamit, at ‘wag akong magpuyat. Marami pa siyang mga bilin sa akin at pinakinggan ko naman ito lahat at inalal

