TAMING THE DEVIL BILLIONAIRE KABANATA 9 YOU'RE FINE DIANNE STEPHANIE’S POINT OF VIEW. MASAYA AKO na nagkaroon kami ng maikling panahon ni Ambrose na makapag-usap at pinakita niya sa akin ang vulnerable part ng kanyang sarili. Alam ko naman na may mga problema siya at magkakaroon talaga siya ng problema dahil tao rin siya at may damdamin. Hindi lang ako makapaniwala na nakakaramdam din talaga siya ng pressure sa pamilya niya kahit na magaling na siya sa kanyang trabaho at matalino siyang tao. Siguro ay ganun talaga… kapag panganay ka talaga ay nakakaramdam ka talaga ng pressure sa pamilya lalo na’t ikaw ang gagawin na motibasyon ng mga kapatid mo. Hindi ka pwedeng magkamali dahil panganay ka. Kailangan mong maging magaling sa lahat ng bagay dahil panganay ka. Hindi ka pwedeng magkamal

